^

PSN Opinyon

Daming allowances

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG merit incentive program ay nakalaan sa mga scholar na may mini-maintain na grado o semestral weighted average (WA) na 1.75 o mas mataas pa. Ang mga scholar na merong WA na 1.75 o mas mataas pa kada semestre ay nakakakuha ng ayudang P10,000 sa kabila pa ng kanilang scholarship allowance. Para naman sa allowances ng Taguig graduates na naghahanda para sa kanilang licensure o bar examinations, itinaas na rin sa P20,000 ang halagang nakukuha para sa mga kumukuha ng law, medical, bar at board exams at P15,000 naman para sa ibang professions.

Sa post-graduate degrees naman ay ginawa na ni Mayor Lani na rationalized ang allowances na ibinibigay sa mga kumukuha ng Masteral (MA) o Doctoral (PhD) degree at itinaas na rin ang ibinibigay sa ilalim ng Taguig Learners’ Certificate (TLC) program. Mula P5,000, kada scholar na aabot sa 5,000 grantees sa 47 na private partner schools ay magiging P10,000 na ito kada school year. Ang scholarship program ng Taguig -- na ngayong taon ay meron nang P625 milyong pondo -- ay hinihingi na ang mga benepisyaryo nito ay pumasa sa mga qualifications kagaya ng pagiging residente ng Taguig nang hindi bababa sa tatlong taon, nakarehistrong botante sa lungsod kung siya ay 18 taong gulang o mas matanda pa, merong isa sa kanyang mga magulang na nakarehistro rin na botante ng lungsod, at may good moral character.

Aabot sa 42,000 LANI scholars ang naka-enroll sa iba’t ibang institusyon kabilang na ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University and De La Salle University. Sa ngayon, nagtala na ang LANI scholarship ng 15 na top 10 board passers at dalawa sa mga ito ang naging topnotcher sa buong bansa sa kanilang kinuhang board exams. Kita n’yo na mga suki, kapag pinagbuti pa ng scholars ang kanilang pag-aaral tiyak na makakamit ang tagumpay at karangalan. Hehehe!

At bilang pruweba, narito ang mga nagsipagtapos na nagkamit ng may karangalan na tinitingala ngayon ng mga taga-Taguig.  Ngayong taon, ang mga LANI scholars na sina Engr. Guiseppe Andrew B. Buffe ay nanguna sa Aeronautical Engineering Licensure Examination habang pang-10 naman si Engr. Ronald Ian T. Borja sa Electrical Engineer Board Examination. Noong Disyembre 2015, pinarangalan ng siyudad ang 70 scholars na nagtapos ng summa cum laude at magna cum laude.

At bago matapos ang taon ay pararangalan naman ang mahigit 90 graduates na may Latin distinction na nagsumite ng kanilang application. Nakatakda pa na tumaas ang bilang ng paparangalan dahil patuloy pa rin ang pagpasok ng mga aplikante para maging scholar bago ang Disyembre 2017. Nawa’y maging halimbawa si Mayor Cayetano sa lahat ng LGU’s, di ba mga suki? Yan ang serbisyong totoo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with