^

PSN Opinyon

EDITORYAL - No way!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - No way!

DAPAT lang na hindi pumayag si Pres. Rodrigo Duterte sa alok ng terorista na palit-ulo o pakikipag-swap sa mga bihag kapalit ng pagpapalaya sa ama at ina ng Maute brothers na na­aresto ng military. Sabi ni Abdullah Maute, tumatayong leader ng mga terorista na palalayain nila ang mga bihag, kabilang si Fr. Chito Suga­nob kung palalayain din ang kanyang ama na si Cayamora Maute at ina na si Ominta Farhana Maute. Ang mensahe ni Abdullah ay pinadala noong magtapos ang Ramadan.

No way! Ito ang sagot ni Duterte. Hindi maki­kipagnegosasyon sa mga terorista kahit kailan. Sabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi matitinag ang gobyerno sa alok na palit-ulo. Hindi ito kailanman kakagatin ng pamahalaan. Ang nangyari raw negosasyon no­ong Linggo na humiling ng walong oras na huma­ni­tarian pause o ceasefire ay walang kinalaman ang pamahalaan. Mga religious leaders umano ang nagbalak niyon. Ganunman kahit na nagka­roon ng walong oras na ceasefire, patuloy din naman ang pagpapaputok ng Maute. Hindi rin sumunod ang mga terorista. Kaya makaraan ang itinakdang walong oras, balik uli ang AFP sa pambobomba sa kuta ng Maute. Kahapon, muling binomba ang pinagtataguan ng mga tero­rista. Sabi ng AFP maaaring sa susunod na buwan ay matatapos na ang bakbakan sa Marawi at maibabalik na sa normal ang buhay doon. Libong residente ang nasa evacuation centers.

Ipagpatuloy ang pagbomba sa mga pinagtataguan ng Maute. Kahit pa sinabing nakatakas na raw si Isnilon Hapilon sa Marawi, huwag pa ring titigil ang AFP. Maaaring taktika lang ang sinasabing nakatakas na ang mga pinuno ng terorista.

Huwag papayag sa palit-ulo. Sa halip, sikapin ng AFP na mabawi ang mga bihag nang ligtas. Gumawa nang paraan na makuha ang pari at iba pabng bihag na umano’y inaabuso ng Maute. Ilang babae na raw ang ginagahasa at ang mga lalaking bihag ay inuutusang magnakaw sa mga bahay. Gawin ng AFP ang lahat para ma-rescue ang mga bihag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with