^

PSN Opinyon

446

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

HUNYO 24, 1571 ang petsa ng pagkatatag ng Maynila bilang lungsod. Ito ang araw kung saan binuo ang unang junta municipal (city council) ng Maynila. Bukas, Hunyo 24, 2017, ang ika-446 na anibersaryo ng Maynila.

Mula nang ito ay itinatag, ginawa na itong sentro ng administrasyon at itinayo pa ng Kastila ang mga adobeng pader ng Intramuros para sa kanilang proteksyon, Sa taong 1595 pormal na tinanghal ang Maynila bilang Kapitolyo ng Pilipinas. Sa ating kasaysayan, mahigit apat na siglo na nating kinilala ang Maynila bilang capital city. Ang kasaysayan ng Maynila ay istorya ng Pilipinas. Tanging ang Cebu, mula 1565 hanggang 1570, at ang Quezon City, mula 1948 hanggang 1976, ang ibang lungsod na pinara­ngalan din na capital of the Philippines.

Ito ang dahilan kung bakit tila pumapasok ka sa kaka­ibang daigdig tuwing hahakbang papasok sa teritoryo ng Maynila. Mas makikitid ang mga daan, mas may karakter ang mga gusali, at ang mga mamamayan ay may kakaibang “aura”– dahil sa kumpiyansa ng pagiging Manilenyo. 

Iba ang pride na mararamdaman ng taga-Maynila. Lalo na ngayon na nilinis na ng pamunuan ni President Mayor Joseph E. Estrada ang mga maruruming lugar, pinababa ang krimen at ibinalik ang disiplina sa lungsod. Dahil din sa kanyang responsableng pamamahala, ang lumalaking income ng Maynila ay nagagamit para sa public services. Talaga namang nakapagbigay ito ng ginhawa sa Manilenyo.

Bilang pasalamat sa biyaya, nagtakda ang pamunuang lokal ng ibat ibang okasyon upang kilalanin ang mga empleyado, guro, huwes, piskal, pulis at mga negosyante ng Maynila na nagtala ng kakaibang performance itong nakaraang taon. Bukas naman ay itatanghal ang Miss Manila, isa sa pinakaunang beauty and brains contest ng bansa. 

Binabati ko si President Mayor Joseph E. Estrada, ang Konseho ng Maynila sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang mga department head at mga empleyado ng lungsod at higit sa lahat, ang mga kapwa ko Manilenyo sa isa na namang matagumpay na anibersaryo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with