^

PSN Opinyon

Anti-Distracted Driving walang bisang batas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MARAMING probisyong wala sa lugar sa bagong Anti-Distracted Driving Act -- kaya tiyak na papalpak ito. Maganda sana ang pakay ng batas: iwasan ang nakakamatay, nakakalumpo, at nakakagastos na aksidente sa daan dahil sa mga nagmamaneho na nalilingat ang atensiyon dahil sa pagse-cellphone, pagte-text, o nakakagulong mga gamit sa harapan at likuran ng sasakyan. Bawal na gumamit ng gadgets na nakakasagabal sa pagmamaneho. Pero paano mo ito ipapatupad sa jeepneys, halimbawa? Unang-una, sa disenyo pa lang ay marami nang hadlang sa line of sight ng tsuper: makitid ang windshields ng jeepneys, at kung ano-anong emblem ng kabayo at borloloy ang nasa harap. Nakasingit pa sa salamin ang mga karatula ng biyahe, at may altar pa sa rearview mirror. Tumatanggap ng bayad at nagsusukli pa sa mga pasahero ang tsuper.

Ayon sa batas, P5,000 ang multa sa unang offense, P10,000 sa ikalawa, P15,000 at tatlong-buwang suspensiyon ng driving license sa ikatlo, at P20,000 at kanselasyon ng lisensiya sa ikaapat. Pero sakop din nito ang nagte-text na biseklista -- na wala namang lisensiya. Sakop din ang nagte-text na naka-kuliglig o hand tractor sa highway -- na bawal naman doon simula’t sapul. Pati ang nagse-cell phone na nagkakareta na hinihila ng kalabaw ay bawal -- e ni hindi naman rehistrado ang hayop sa Land Transportation Office.

Ang Anti-Distracted Driving Act ay walang pinagkaiba sa Anti-Drunk and Drugged Driving Law. Mahigpit na ipinagbabawal magmaneho nang lasing sa alak o lango sa droga. Pero hindi naman marunong ang mga awtoridad kung paano matitiyak na lasing o lango ang driver. Ni wala silang breathalyzer na panukat ng alkohol sa hini­nga, o anomang panukat ng pagka-bangag sa shabu.

Palpak din ang Seatbelt Act, sa jeepneys na hanggang bubong ang mga sakay; at Helmet Law, na mismong motorcycle cop ang lumalabag.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with