^

PSN Opinyon

Hindi terorismo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ALAM na ng lahat ang nangyari sa Resorts World Casino. Tatlumpu’t pito ang namatay sa insidente, kung saan pumasok ang isang lalaking armado ng mahabang baril at may dalang gasolina. Nagpa­putok sa loob ng casino at sinindihan ang mga mesa ng sugalan. Nagnakaw ng casino chips na nagkakahalaga ng P100 milyon. Pero nabaril umano ng security ng casino, kaya nagtago sa isang kuwarto ng hotel, at doon nagpakamatay. Namatay ang mga biktima dahil sa smoke inhalation. Walang namatay dahil sa pamamaril ng salarin. Sa totoo nga, hindi namaril ng tao ang salarin.

Nagsimula na nga ang imbestigasyon, at hindi na rin maiiwasan na nagsimula na rin ang sisihan. Unang-una, hindi daw ito terorismo, tulad ng sinasabi ng iba. Inako pa nga umano ng ISIS ang pangyayari. Operatiba raw nila. Pero pinabulaanan kaagad ito ng Palasyo, AFP at PNP. Kung terorista, bakit hindi mga tao ang pinatay? Wala ring dalang bomba na mas epektibo kung mga tao nga ang papatayin. Huwag nang ituring na terorismo, kung hindi naman. Panga­lawa, bakit hindi naharang ng security ng Resorts World ang taong may dalang mahabang baril? Hindi ba napakahigpit ng mga guwardiya kapag pumapasok ng mga parking, na pinabubuksan pa ang likod ng mga sasakyan? Pero taong naglalakad na may dalang mahabang baril na hindi man lang nakatago ay hindi nila naharang?

Pangatlo, alam mong wala sa isip ang taong ito, dahil ano naman pala ang gagawin niya sa milyong-milyong halaga ng casino chips? Hindi ba ang casino rin ang magpapalit niyan para maging pera? May plano ba siyang bumalik para mapalitan ang mga chips? Ayon sa mga opisyal, maaaring lulong sa sugal ang taong ito, at nagwala na lang dahil ma­laki na ang natatalo sa kanya. Baka paraan na lang niya ito para makabawi sa casino, na malinaw na target niya.

At sa dami ng namatay dahil sa “smoke inhalation”, hindi ba naapula ang apoy kaagad? Wala bang mga fire exit na malinaw para matakbuhan ng mga tao kapag may sunog? Walang bentilasyon ang casino at naipon lang ang usok? Gumana ba ang panlaban ng apoy ng casino? Saan namatay ang karamihan ng mga biktima, para maayos na’t hindi na maulit? Ito ang mga tinatanong natin ngayon. Sa tingin ko ang mahalaga ay ang mga guwardiya na naka-duty sa pasukan mismo ng casino. Dapat handa sila sa anumang sitwasyon. Dapat armado rin sila nang husto. Ayon kay PNP chief Gen. Ronald dela Rosa, tumakbo raw ang mga guwardiya nang makitang armado ng mahaba ang pumapasok. Totoo ba ito? Kung hinarap ng mga guwardiya ang salarin, maa­aring hindi na nakapasok at hindi nasunog ang casino, na sanhi nga ng pagkamatay ng lahat ng biktima. Kung nabaril nga ang salarin, baka naganap na lang ito sa loob ng casino dahil nakuha pang masunog ang mga mesa. Sana sa labas pa lang ay nabaril na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with