^

PSN Opinyon

Init ng panahon, palusot ng MRT-3

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI matanggap ni Railways Usec. Cesar Chavez na init ng panahon ang nagpapatirik ng tren ng MRT-3. Sa apat na taon niya bilang assistant general manager ng sister-LRT-1 at -2, hindi niya narinig ang gan’ung palusot. Malamang na pabayaang maintenance ang totoong dahilan.

Ibinintang ng MRT-3 at maintenance contractor nito sa pagsapit ng tag-init kaya araw-araw tumitirik ang mga tren. Magkapareho ang pahayag sa news videos nina MRT-3 operations-in-charge Deo Manalo at Busan Universal Rail Inc. president Eugene Rapanut. Kesyo raw mas mabilis mabulok ang components kapag tag-init, at baka hindi angkop ang grasa sa klima sa Pilipinas.

Gumugulong ang MRT-3 mula taong 2000, pero nga­yon lang sa ilalim ng dalawa ito bumibigay sa summer heat. Si Manalo, na dati’y nasa mother-Dept. of Transport, ay naging MRT-3 OIC-maintenance, tapos OIC-general manager, tapos-OIC-operations, sa loob lang ng anim na buwan mula nung Setyembre. Ang BURI ni Rapanut ay naging tatlong-taong maintenance contractor mula lang Enero 2016.

Sinusuri kung bumibili ng tamang piyesa at gumagawa ng tamang trabaho ang BURI, ani Chavez. Mula nu’ng Oktubre ibininbin muna ang buwanang P54.5-milyong si­ngilin hangga’t hindi naisusumite ang mga kailangang doku­mento­. Kabilang dito ang pag-order, bayad, deliber, pagtanggap, quality check, at pagkabit ng piyesa. Walang papeles, walang bayad, iginiit ni Chavez ang dating patakaran na nilabag ng mga dating DOTr officials.     

Nu’ng taglamig nag-ala-enhinyero ang abogado ng BURI, at nagpalusot na madalas din ang breakdowns dahil mula’t-sapol ay hindi akma ang mga lumang tren sa riles. Tahimik lang siya tungkol sa 48 bagong bagon mula China na hindi mapaandar. Sina kambal-tuko Manalo ang DOTr expansion project manager at Rapanut ang broker ng Chinese supplier nang orderin ang 48 bagon nu’ng 2013-2014.

 

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with