^

PSN Opinyon

Tsuper, ‘boundary’ sanhi ng sakuna

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PALUSOT lang na flat tire ang nagpahulog ng bus sa ba­ngin sa Nueva Ecija at pumatay sa 34 na pasahero nu’ng Abril. Wala ‘yung pinagkaiba sa pagsabing sirang preno ang nagpasalpok sa bus sa poste sa Rizal nu’ng Pebrero, na ikinamatay ng 15 at ikinalumpo ng 50 estudyante. Pinararami lang ng palusot ang namamatay sa sakuna sa daan.

Kumaskas ang bus sa kurbada, bagamat kauulan lang at basa ang peligrosong pasilyo sa bundok. Tumangka ang tsuper mag-overtake sa ibang bus, pero nawalan siya ng kontrol sa manibela. Isasagi sana niya ang bus sa mga bahay sa gilid, pero sumabog ang harap-kanang gulong, at tumilapon ito sa bangin. Overloaded din ang bus. Bagamat “minibus” na nakakapag-upo ng 55 pasahero, 78 ang lulan noong sakuna, kasama ang tsuper na namatay.

Tao, hindi makina, ang nag-i-speeding at overloading­. Dala ‘yun ng katangahan at kapabayaan ng tsuper at ope­rator. Hindi naman galing kundi suhol ang kapalit ng professional driving license ng aplikanteng mangmang. “Boundary” system ang nag-uudyok sa pagkaskas at pag-overload. Mura ang suweldo ng tsuper at kundoktor; nadadagdagan lang ng komisyon sa pasahe. Mas maraming pasahero, mas malaking kita. Pinalalala ng bagong alituntunin na magtalaga ng alternate driver sa mga biyaheng lampas anim na oras. Lalo lang kakaskas at mag-o-overload ang bus dahil dalawang tsuper na ang maghahati sa komisyon.

Ano ang solusyon? Una, i-testing ng Land Transport Office lahat ng professional drivers, para sa galing, katinuan, at simpleng road courtesy. Tanggalan ng lisensiya, imbis na i-extend nang limang taon, ang mga bugok. Lansagin din ang “boundary.” Ipalit dito ang sapat na sahod at safety checks ng mga bus bago bumiyahe. Sa gan’ung paraan mapapatino ang mga tsuper at operator.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with