^

PSN Opinyon

Kamay na bakal ang kailangan sa Mindanao

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SUPORTADO ko ang pagdedeklara ni Pres. Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao. Ang hindi lang maganda sa narinig ko ay may posibilidad na ipatupad ito sa buong bansa. Hindi natin maiwasan na maalala ang dating diktador Ferdinand Marcos kapag pinag-uusapan ang martial law. Huwag naman sanang maabuso ang karapatang pantao ngayong nasa ilalim ng martial law ang Mindanao. Sa tingin ko martial law na lang siguro ang tanging paraan para maisalba ang ating bansa sa mga terorista. Hindi na simpleng rebellion ang nangyayari ngayon sa Marawi City.

Palagay ko, nandito na sa ating bansa ang ISIS at sinasamahan ang Maute at Abu Sayyaf sa paghahasik ng kaguluhan sa Mindanao. Kamakailan, inako ng ISIS ang pagpapasabog ng bomba sa Manchester, UK habang may nagaganap na concert. May 22 namatay at maraming sugatan at ang iba rito ay nasa kritikal na kondisyon. Kaya ang mga teroristang ito ay unti-unti nang naghahasik ng kaguluhan sa mundo.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi kayang pulbusin ng gobyerno ang mga terorista sa ating bansa tulad ng Maute at Abu Sayyaf. Kulang pa ba ang puwersa ng gobyerno? Kunsabagay ang mga terorista ay bihasa sa paggawa ng bomba at malalakas ang kanilang armas. Ginulo ng Maute ang tahimik na Marawi City. Napakaliit ng grupong Maute pero napakalakas naman ang puwersa dahil hirap ang kawal ng gobyerno para sila maubos.

Nakakalungkot lang isipin dahil kapwa Pilipino ang nagpapatayan. Kaya yung mga kumokontra sa martial law na ipinatutupad ni President Digong, puro kayo dada. Tulungan n’yo na lang ang gobyerno kung paano malilipol ang mga terorista sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with