^

PSN Opinyon

Ninja cops balik ops

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NASOBRAHAN sa pangingikil ang 11 bad eggs cops from Malabon City police station kaya naman itsinutsu sila ng pamil­yang biniktima nila ng kidnapping at robbery extortion.

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangyayari sa isang gurang na bebot na umano’y pusher na dinukot sa haybol nito sa Kyusi ng 11 little indians este mali bad eggs cops pala. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinarahan ng mga ‘foolish cops’ ang family ng isang alyas Norma ng P5 million pero nagkasundo sa P2 million para ito makalaya sa pinagdalhang safehouse nila.

Bukod kay alyas Norma gurang, binabakalan din ng ‘ninja cops’ ang syota nitong preso na nakakulong sa medium security compound ng Muntinlupa City ng P1 million at isang kilong shabu pa mula sa amo nitong preso na Chinese druglord.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang kuartang nakuha ang mga ‘foolish cops’ kundi isang kilong shabu lamang.

Sa buwisit ng mga bad eggs cops na hindi nagka-kuarta, ikinarga kay Norma gurang ang isang kilong shabu na nakuha nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkasa ang iba’t ibang units ng PNP ng isang joint operations para kalawitin ang 11 Malabon policemen matapos magreklamo ang pamilya ng isang alyas Norma gurang sa isyu ng pangingikil at pagdukot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpulong sina NPD Director, Chief Supt. Roberto Fajardo, Bucor director Benjie delos Santos. Counter Intelligence Task Force, HPG, at Malabon police para bingwitin ang mga inirereklamo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO. 4 foolish cops ang nasilo samantala pitong bad eggs cops ang nakaiktad at kasalukuyang pinaghahanap ngayon.

Ika nga, pakuyakoy, kuyakoy at crying like a cow ang mga nasungkit na nakakulong ngayon sa Camp Crame Detention Center.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P14 million reward sa 7 foolish cops ang regalo ni Boss Digong sa sino mang makakapagturo o makakahuli sa kanila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasama sa pitong policemen na pinaghahanap sa kasalukuyan ay member ng PNP Civil Security Group at CIDG. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa pagdukot kay alyas Norma gurang, sangkaterba pa ang nilimas ng “foolish cops.

Ano ang nangyari?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ni Bucor director Benjie delos Santos kung paano nagkaroon ng transaksyon sa loob ng bilibid para makakuha ng isang kilong shabu ang mga ‘ninjas.’

Abangan.

Disiplinahin ang mga malatubang MMDA

HINDI puro drawing ang gustong gawin ni newly appointed MMDA chairman Danny Lim, kundi ang didisiplinahin muna ang kanyang mga personnels at mga malatubang tauhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang malalang traffic sa lansangan ng Metro - Manila ang gustong tutukan at pag-aralan ni Danny  para mabigyan ng solusyon dahil awang-awa ito sa madlang public.

Ika nga, yong nauna kay Danny ay pinalala lamang ang traffic sa EDSA at hindi nabigyan ng solusyon.

Sabi nga, buti naman napalitan na ito. hindi katulad ng naunang amo dito na pinalala lamang ang traffic sa EDSA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa pang dapat pagtuunan ng pansin ni Danny ay ang mga talyer sa bangketa dahil sa kalsada na mismo naglalakad ang madlang people at delikado ito lalo sa gabi.

‘Matagal na inirereklamo ang talyer sa bangketa ng Atoy Customs Works dyan sa West Avenue na hindi matinag ng MMDA, barangay at ng Quezon City hall siguro sa panahon ngayon si Danny lang ang makakataboy sa kanila,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala sila diumano na may kalakaran o may mga tinatanggap ang mga autoridad para hindi nila pansinin ang mga sasakyan ginagawa sa bangketa .  Ito dapat ang paimbestigahan ni Danny.

“May blessing kaya ang mga ito?’

Sagot - iyan ang itanong ninyo kay Tim Orbos.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with