^

PSN Opinyon

Congrats, Lawyers

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NOONG Lunes, nagsipanumpa ang mahigit 3,700 na bagong abogado sa SM Mall of Asia Arena. Dahil sa laki ng kanilang batch, kinailangang ilipat ang oath taking sa mas malaking lugar na dating ginaganap sa Philippine International Convention Center (PICC). Hindi lamang ang bilang ng oath takers and dumoble, kasabay nito ay ang pagdoble rin ng kanilang quota nang bisitang manonood. 

Hindi pa natatapos sa oath taking ang proseso bago ka matawag na attorney. Ito ay pangalawa sa huling hakbang. Ang huling akto ay ang paglagda sa roll of attorneys kung saan ina-assign sa iyo ang sarili mong bilang. Yes, bawat isang attorney ay may sari­ling tatak. 

Sa Supreme Court mismo ginaganap ang signing of the roll. Mas personal itong seremonya. May iskedyul ka, maaring isama ang buong pamilya, uupo sa harap ng kagalang-galang na Bar Confidant, tapos pirma sa malaki at makasaysayang log book ng Mataas na Hukuman.

Sa puntong ito, maari mo nang angkinin ang titulo na abogado. Tapos na sa wakas ang 20 years ng sakri­pisyo, pawis, dedikasyon. Nagbunga rin ang lahat nang isinugal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with