PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Orbos, brand name lang ng mga vehicles ang kailangan

Wala ng pinipiling oras ang tindi ng traffic problem sa EDSA imbes bigyan ng solusyon ang matinding problema ay mukhang umanong napapabayaan pa lalo?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoong mahirap solusyunan ang traffic problem sa EDSA pero dapat bigyan pansin ito ng mga pa bright, bright na mga autoridad dahil kung sa palagay nila hindi nila kayang ayusin ang heavy traffic mas mainam pang magbitiw na sila sa puesto.

‘Ano sa palagay mo MMDA acting chairman Tim Orbos?’ tanong ng kuwagong naghihingalo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, political will lang ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lamang para masolusyunan ang traffic sa EDSA.

Paano?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sagot - iyong color coding scheme sa mga buses, taxis,  jeepneys at sa ibang truck ipatupad para kahit papaano ay magkaroon sila ng pang araw-araw na kita.

Sabi nga, para hindi magka-problema!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sa mga private vehicles kailangan masusing pag-aralan ng gobierno ang bawat dami ng mga branded vehicles. Para malaman ito makipag-usap sa mga car manufacturers kung ilang mga sasakyan ang nabili sa kanila kahit anong klaseng sasakyan puera lang ang mga dambuhalang sasakyan.

Ika nga, itanong sa LTO at car manufacturers kung ilang kotse mayroon sila naibenta sa Metro-Manila at karatig pook dito malalaman ng gobierno kung gaanong kadami ang mga brand name vehicles tulad ng Toyota, Honda, Mitsubishi echetera puera pa ang mga imported cars.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag nalaman na nila ito dapat pag-aralan kung anong araw sila hindi puede gamitin sa Metro-Manila from 7am to 8 pm at kung anong araw sila bawal sa lansangan.

‘Tiyak gagaan ang traffic sa Metro - Manila partikular sa EDSA dahil halos kalahati ng mga pribadong sasakyan ang hindi magagamit sa araw na bawal sila.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ano sa palagay mo, Tim?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang papalag pero kailangan ng political will todits para maibsan ang traffic sa Metro-Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahirap solusyunan ang traffic sa Metro-Manila partikular sa EDSA dahil nga sa rami ng mga sasakyan pero ito ang pinakamagandang gawin.

Abangan.

Very good, ang batas ng gobierno

NATUTUWA ang madlang people sa bagong batas na ipinatutupad ng gobierno ngayon regarding ito sa paggamit ng cell phone while driving, ang pag-aangkas ng more than 2 sa motorsiklo ay bawal na rin at ang pinakamatindi ay ang ipagbawal ang mga batang sasakay sa motor bike na hindi kayang abutin ang ‘leg peg.’

Sabi nga, malaki ang multa ngayon!

Ika nga, ito ang dapat naisip noon pa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana isunod ng gobierno na ipagbawal ay ang pagbiahe ng mga jeepneys, buses, taxis na pudpod o kalbo ang gulong.

‘Dapat mahigpit din nilang ipatupad ang inspeksyon para matiyak kung running condition ang mga pampublikong sasakyan dahil kalimitan ang disgrasia dito partikular ang mga buses na nawawalan ng preno o pumalpak ang sasakyan.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon takot ang madlang drivers na magpa-bright,bright dahil hindi biro ang multa sa mga lumalapag este mali lumalabag pala sa batas na ipinatutupad.

Ika nga, hindi biro!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa tindi ng multa sa mga lumalabag sa bagong ruling ng gobierno nangangamba ang ilan sa kanila na baka ito ang maging cause of corruption.

‘Kamote, negative side ka agad. Think positive!’ sabi ng kuwagong naghimala.

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: