^

PSN Showbiz

Matandang singer nilamon ng kayabangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May isang grupo nu’ng mga nakararaang dekada na tunay namang hinangaan at inidolo ng ating mga kababayan. Bakit nga naman hindi? Pagkagaganda ng kanilang mga kanta, bentang-benta sa mayayaman at sa masa, milyun-milyon ang inabot na benta nu’n ng kanilang mga piyesa.

Kahit saan sila mag-concert, dito o sa iba-ibang bansa man, ay panalo ang tropa. Hindi na halos marinig ang kanilang boses, nakikikanta kasi sa kanila ang audience, isang malaking palatandaan na paborito talaga kahit saan ang kanilang mga kanta.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lang silang nawala. Hindi na nasundan ang pinakahuli nilang album, nagkani-kanyang landas na ang mga miyembro ng grupo, pinanghinayangan ‘yun ng ating mga kababayan.

Kuwento ng isang source na dating malapit sa grupo, “Nakapanghihinayang talaga sila may chance pa sana silang makagawa ng mga compositions na bebenta pa rin kahit nagkakaedad na sila.

“Sa ibang bansa nga, mas ma­tatanda pa ang mga singers, pero tuluy-tuloy pa rin sa pagpe-perform. At kinakagat pa rin sila. Pero kailangan na nilang maghiwa-hiwalay dahil may problema sa loob mismo ng grupo.

“Nagkakaroon na sila ng friction, hindi na harmonious ang samahan nila. Hindi na ‘yun maganda dahil mahahalata sa stage ang hindi nila pagkakasundo.

“Isa lang ang pinaproblemang member ng tropa, ‘yung isang mayabang na sobra ang believe lang sa sarili niya, siya lang ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang mga kasamahan niya na huminto na sila.

“Hindi na healthy ang samahan nila, nagkaka­bangga-bangga na sila. Pero ang nakakagulat, e, magkakampi ang mga kasama ng singer na may kayabangan kontra sa kanya.

“At kapag ganu’ng magkakampi pala ang mga kasamahan niya, e, ano ang ibig sabihin nu’n? Hindi na nila kayang makasama ang ka-member nila na ang akala sa sarili, e, siya na ang pinakamatalinong musikero sa buong mundo!” pagdedetalye ng aming source.

Ubos!

Aljur mas pinaboran ang mga kaibigan kesa sa kapamilya

Lalaki ang magiging anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Sa July na nakatakdang magsilang si Kylie, Joaquin ang napili nilang pangalan sa kanilang munting anghel, lalaking-lalaki raw kasi ang dating ng nasabing pangalan.

Maayos ang kanilang pagsasama, sinisigurado ni Aljur na palaging positibo ang kapaligiran para kay Kylie, malaki nga naman ang epekto sa sanggol kapag problemado ang ina.

Pero kung maayos ang kanilang pagsasama ay marami pa ring nang-uusisa kung ano ang naging problema ni Aljur sa kanyang pamilya. Magkakasama sila dati sa isang bubong lang, pero biglang humiwalay sa aktor ang kanyang mga magulang at kapatid, nasaan daw kaya ang problema?  (sundan sa pahina 11)

vuukle comment

MATANDANG SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with