^

PSN Opinyon

‘You only have yourself to blame, VP Leni!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANUMANG bagay o posisyon na ipinagkaloob sa iyo kung saan hindi ka karapat-dapat at hindi nararapat, maituturing regalo. Sa salitang Kristiyano, ito’y isang grasya.

Hindi ito karapatan. Ito ay isang prebilehiyo na dapat inaalagaan at pinapahalagahan. Ito ang pagkakamali ni Vice President Leni Robredo.

Pinagkalooban ni Pres. Rody Duterte ng posis­yon kahit hindi kapartido. In-appoint bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council kahit walang sapat na karanasan. Hindi dahil pinagkakatiwalaan siya ng Presidente kundi bilang accommodation lamang siya ang ipinroklamang Vice Pre­sident.

Sa mga nagdaang Presidente laging binibigyan ng cabinet post ang kanilang bise o spare tire kung sa Pilipinas. Hindi ganito ang estilo ni Duterte.

Sa umpisa pa lang marami nang mga kiyaw-kiyaw si Robredo kay Duterte. Nagpa-bebe sa media  noong hindi makakuha ng appointment sa Presidente. Oposisyon man, kinuha pa rin ni Duterte si Robredo sa kanyang Gabinete. Pagpapakita na gusto nang tuldukan ng Presidente ang pagkakawatak-watak na nai­dulot ng eleksiyon.

Dito makikita, ang pagiging bubot ni Leni. Sa halip tumayong alter ego ni Duterte, siya pa mismo pasimuno para magkagulo.

Maaaring magkakontra ang kanilang pananaw sa maraming isyu, irreconcilable differences kung tawagin ng Malacañang. Hindi siya pabor sa Marcos burial at isa sa mga pangunahing kritiko ng drug war.

Problema, kahit nagdesisyon na Korte Suprema, ayaw pa rin niyang tumigil. Dinala pa sa lansangan ang protesta.

Ngayong wala na siya sa Gabinete, kinokondisyon naman niya ang utak ng tao. May mga plano raw na nakawin sa kanya ang pagka-Vice  President.

Kaya inuulit ko, you only have yourself to blame, VP Leni!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with