^

PSN Opinyon

Walisin, barkers sa kalye

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG kayong magsinungaling dito” Ito ang katagang binitiwan nina Senators Richard Gordon at Panfilo Lacson ng gisahin sina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan. Tumugma kasi ang ilang salaysay nina Espinosa­ at Dayan­ sa abutan ng datung sa Baguio City para kay dating DOJ secretary at ngayo’y Senator Leila de Lima. Ngunit kahina-hinala ang kanilang salaysay dahil sa petsa­ at lugar ay may kunting alinlangan dahil kapwa nila hindi umano maalala. Si Dayan ay umamin na tumanggap ng pera para kay De Lima subalit sa tanong na kung anong hotel sila naka-tsek-in ay hindi nito maalala. Hindi rin umamin si Dayan na siya ay may tinatanggap na pera sa mga high profile na “Bilibid 19” ngunit ang inaabot ni Dir. Franklin Bucayu at Atty. Ragos ay walang kagatul-gatol na tinanggap nga.

Samantalang kay Kerwin naman at umakma sa testimonya ni Dayan na totoo ang abutan ng datung sa parking­ area sa Baguio. Ang masakit mukhang may pinagta­takpan si Kerwin na mga matataas na personalidad na pumoproteksyon sa kanya noon nasa larangan pa siya ng illegal drugs activities. Kaya ang alinlangan ng Se­nate Committee ay kasinungalingan at pagtatakipan nina Kerwin at Dayan.

Sa pag-ungkat naman sa pagkamatay ni Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa may lumutang na matagal na palang pinagpaplanuhan ang pagpatay dito. Ma­ging ang isang Chief Inspector Son ay inambush dahil sa pagtanggi nito sa utos ng isang opisyal umano ng CIDG. Maging si PNP chief Ronald dela Rosa ay ginisa nang husto ni De Lima hinggil sa pagbalik nito sa puwesto sa kabila ng pagkakasangkot nito sa pagkamatay ni Mayor Espinosa. Mariin naman na sinagot ni Dela Rosa na utos ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanyang sinunod sa pagbalik ni Senior Supt. Marvin Marcos sa Region-8. Pinuri ni Gordon si Dela Rosa dahil sa sinseridad nito sa trabaho bilang hepe PNP. Pinako-contempt ni Sen. Manny Pacquiao si Dayan dahil sa pagsisinungaling nito. Lumalalim na ang usapin sa Senate hearing na dapat nating pagkatutukan mga suki, subalit kapos na ako sa oras kung kaya sa ibang pagkakataon ko na lamang ito tatalakayin.

Samantala, nagkabuhol-buhol na naman ang trapik sa Metro Manila kasi, amoy na amoy na ang Pasko. Naging balasubas na naman ang mga pampasaherong bus, jeepney, UV Express at taxi. Kahit saan ay pumipik-ap at nagbaba ng pasahero ang mga ito kung kaya nagiging sagabal sila sa daloy ng trapiko. Maging ang mga “barker” ay tumatabo na naman ng limpak-limpak na salapi mula sa mga drayber na kanilang pinapipila sa mga kanto mismo ng pangunahing kalye. Kaya ang hiling nitong aking mga kausap kay DOTr Sec. Art Tugade, unahin munang walisin ang “barkers” nang matigil na itong pagbabara sa kalye. May katwiran ang aking mga kausap dahil ang “barkers” ang pangunahing source of income ng mga tiwaling pulis at MMDA traffic enforcers. Iyan ang tututukan ko mga suki. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with