^

PSN Opinyon

Krisis sa tubig: Ano’ng gagawin?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGBABABALA ang Maynilad Water Services Inc. Sa loob lamang umano ng apat na taon ay kakapusin na ang inuming-tubig ng Mega Manila. Hindi na sapat ang kapasidad ng Umiray-Angat-Ipo Reservoir System para sa 15-milyong populasyon. Dapat daw gumawa ng bagong dam sa hilagang Sierra Madre. Sa plano nila noon pang 2015 ay aabutin nang limang taon ang konstruksiyon, haharangin ang Kaliwa River na umaagos mula sa kabundukan ng Gen. Nakar, Quezon, patungo sa Laguna de Bay. Palulubugin sa tubig ng dam ang 9,700 ektarya ng watershed, sakop ang Baryo Pagsangahan, kaya ililikas ang 1,465 pamilya. Sacrifice a few to save many, ika nga.

Tinututulan ito ng Save Sierra Madre Network Al-liance. Anila mawawasak ang kabundukan at mabubura ang mga katutubong Aeta kapag itinuloy ang dam. Ang dapat nga daw ay protektahan ang mga puno at hayaan magkatubig sa ilalim ng lupa sa taas, para hindi bahain ang mga parang sa ibaba. Dalawa ang kontra-panukala nila. Una, manguna ang MWSS sa water conservation para pagkasyahin ang tubig ng Angat Dam. Ikalawa, tularan ang teknolohiya ng Singapore na nire-recycle ang gamit nang tubig at ginagawang inumin ang desalinated na tubig-dagat. Nakakadiri ngang isipin pero totoong napapalinis muli para inumin ng tao ang tubig na na-flush na sa inodoro.

Merong mga nagpapanukala na ang ipunin sa dam ay ang tubig ng Kanan River, doon din sa Gen. Nakar, na umaagos patungong Pacific Ocean. Sa ga’yun, mapapakinabangan ito imbis na mawala na lang sa dagat. Pero gan’un din ang mangyayari: palulubugin din sa tubig ng dam ang libo-libong ektarya ng kagubatan at maraming mga pamilya.

Meron namang mga nagdududa kung totoong magka-ka-krisis nga sa tubig. Dekada-’80 pa raw sinasabi na ito, pero hindi naganap.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with