^

PSN Opinyon

Pederalismo at political will

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni Presidente Rodrigo Duterte na madaliin nang Kongreso ang pagbalangkas sa sistemang pederalismo na ipapalit sa kasalukuyang pamahalaan. Natalakay na natin noon ang Federal Form of government na ang ibig sabihin ay bibigyan ng sariling pamamahala ang bawat rehiyon sa bansa sa halip na umaasa na lamang sa isang nag-iisang central government.

Kaya ang gusto ni Duterte ay maamyendahan na ang Konstitusyon upang maipatuad ang ganitong pagbabago. Siya ang Presidente, siya ang dapat masunod dahil inihalal siya ng marami.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa ikatlong local government summit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Davao City na magbibitiw siya bilang pangulo sa sandaling mabalangkas na at handa na ang bagong uri ng pamahalaan federal.

Para ba’ng ang sinasabi niya ay yaon lamang ang dahilan ng kanyang pagiging Pangulo: ang bumuo ng sistemang pederal bukod sa pag-ubos sa salot na droga sa bansa. Kapag natupad na niya ang misyon na iyan, puwede na siyang bumaba sa puwesto.

Pabor ako sa pagbabago sa sistema ng pamahalaan kung talagang makatutulong sa pagtatamo ng repormang pambansa.  Pero dapat ding tiyakin na magkakaroon ng political will ang mga leader na nanunungkulan sa gobyerno para magpatupad ng tunay na reporma kagaya nang ipinakikita mismo ng Pangulo. Ibig ko’ng sabihin, ang pagbabago ay dapat magsimula sa tao, lalu na yung mga naka-puwesto.

Kung hindi, ano mang sistema ang ipatupad mo ay  mawawalan lang ng saysay. Ang depekto kasi ng alinmang pamahalaan ay wala sa sistema kundi nasa taong nagpapatakbo ng systema. Kahit ordinaryong kotse o luxury car ang ibigay mo sa isang driver, kung mahusay siyang magpatakbo, aandar ang sasakyan nang mahusay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with