^

PSN Palaro

Kramer dinala ng Globalport sa Phoenix kapalit ni Penissi

SAPOL - Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalakas ng Phoenix ang kanilang frontline matapos kunin si veteran power forward Doug Kra­mer, habang nagdagdag naman ng firepower ang Globalport sa paghugot kay shooter Mick Penissi.

Nagkasundo kahapon ang Fuel Masters at ang Batang Pier para sa isang one-on-one player trade sangkot sina Kramer at Pennisi siyam na araw bago ang pagsisimula ng 42nd season ng Philippine Basketball Association.

Kinuha ng Phoenix ang 6-foot-5 na si Kramer kasabay ng pagdadala sa 6’8 na si Pennisi sa Globalport.

Ang Fuel Masters ang magiging ika-pitong koponan ni Kramer para sa kanyang ika-siyam na PBA seasons.

Muli niyang makakasama sa Phoenix sina Ateneo teammates JC Intal at Paolo Bugia, ang kasalukuyang team manager ng Fuel Masters.

Kumolekta si Kramer ng mga averages na 4.95 points at 6.24 rebounds sa kanyang paglalaro para sa Batang Pier sa nakaraang PBA season.

Nagtala naman ang 41-anyos na Fil-Australian na si Pennisi ng mga ave­rages na 5.11 points at 3.17 rebounds sa kampanya ng Phoenix.

Maglalaro si Pennisi sa kanyang ikaanim na koponan sa pang-17 season niya.

Sa tournament format ng PBA Philippine Cup, magbubukas sa Nobyembre 20, ay maglalaro ang 12 koponan sa single round robin eliminations kung saan dalawa ang masisibak at ang top two teams ang awtomatikong papasok sa best-of-seven semifinals series, habang ang walo ay dadaan sa double-phase quarterfinal round.

Magbibitbit ang No. 3, 4, 5 at 6 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 7, 8, 9 at 10 squads.

Matapos ito ay magsasagupa ang matitirang apat na magwawaging koponan para sa dalawang nalalabing semifinals ticket.

vuukle comment

KRAMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with