^

PSN Opinyon

Goodbye Miriam Defensor Santiago

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pamilya ni dating Senator Miriam Defensor Santiago, 71, dahil kinuha na siya ni Lord the other day.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapang si Miriam dahil hindi niya itinago ang kanyang karamdaman sa madlang pinoy kasi inanunsyo pa niya two years ago sinabi na may stage four lung cancer siya.

Dahil sa pagkamatay ni Miriam ang madlang pinoy, mga matataas na opisyal ng gobierno, mga empleado, estudiante, kabataan ay pawang nalungkot dahil nawalan tayo ng isang tinaguriang ‘dragon lady, Tiger lady, Iron Lady of Asia at Incorruptible Lady sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi matatawaran ang katalinuhan ni Miriam na halos lahat ng madlang people sa Philippines my Philippines ay humahanga sa kanyang kagalingan at kabaitan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtapos si Miriam sa Unibersidad ng Pilipinas ng abogasya dahil sinundan nito ang yapak ng kanyang erpat na isang Huwes at titser ang kanyang ermat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Miriam ang kauna-unahan pinay na nahalal bilang judge sa International Criminal Court pero nagbitiw ito dahil na-diagnose siya na may chronic fatigue syndrome na napunta sa lung cancer.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mami-miss ng madlang pinoy si Miriam hindi lamang ang kanyang mga pabirong salita kaya siya napamahal sa madlang kabataan kundi humahanga ang karamihan sa kanyang angkin katalinuhan.

‘Miriam, paalam!’

Triple X sa Kamara?

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sila ay papakinggan ng mga pa-bright,bright dyan sa Kongreso hindi na siguro kailangan pang ipakita sa madlang public ‘in aid of legislation’ ang diumano’y ‘Triple-X’ video ni Senador Leila de Lima sa gagawin pagdinig ng House Committee on Justice sa mga susunod na days.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ma­laking paglabag sa Constitution ang pagpapakita ng diumano’y ‘3-xxx’ video ni de Lima dahil insulto lamang ito sa madlang public at maging sa ilang kongresista na kontra todits dahil para sa kanila ay walang mitutulong ito sa imbestisayon ng Justice Committee sa kalakalan ng  illegal drugs sa New Bilibid Prison at maging sa illegal drug related killings.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila kontra sa ginagawang pagdinig regarding sa illegal drugs para maparusahan ang mga may sala at mabulgar pa ang mga patong at sangkot na mga opisyal ng gobierno sa ipinagbabawal na gamot pero sana isantabi na nila ang pagpapalabas nang diumano’y sex video ni de Lima.

Sabi nga, imbes na ‘3-xxx’ video ni de Lima ang panoorin sa Kamara mas mabuti pang bigyan prayoridad ng mga kongresista ang mga issue tungkol sa contractualization, pasahod, genuine agrarian reform sa mga magsasaka, pag- repeal sa VAT at iba pang tax measure.

Korek ka dyan!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with