^

PSN Opinyon

Payo para gumanda at kuminis ang balat

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

MAHAL ang magpaganda. Maraming beauty procedures at produkto na napakamahal. Para sa gipit sa budget, may hinanda akong matipid na beauty tips.

1. Umiwas sa araw – Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig mag-beach, pero masisira ang kutis niyo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light.

Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw tulad ng golf at swimming. Tandaan, ang araw ay nakatatanda. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock o sunscreen – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock araw-araw. Hanapin ang may nakasulat na SPF 15 o mas mataas pa. Ang ibig sabihin nito ay kapag 15 minuto ka nakabilad sa araw, parang 1 minuto lang ang exposure mo kapag may sunblock. Hanapin yung may proteksyon sa UV-A at UV-B. Bilang dagdag proteksyon, puwedeng mag-payong, mag-sombrero o magtakip ng folder sa mukha.

3. Umiwas sa usok at alikabok – Ang polusyon ay mala­king problema natin. Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview, naku, parang umitim ka sa usok. Titigas din ang buhok n’yo sa alikabok. Kung may budget, mag-aircon bus ka o magtakip ng mukha. Maipapayo ko rin ang paggamit ng face mask para hindi malanghap masyado ang masasamang usok.

4. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo ay nakatatanda sa ating mukha. Ang alak naman ay nagpapakulubot din ng balat. Hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang iyong katawan.

5. Gumamit ng sabon at tubig – Ayon kay Dra. Francisca Roa, dating presidente ng Philippine Dermatological Society, simple lang ang sikreto ng pagpapaganda. Maligo araw-araw. Gumamit ng sabon at maraming tubig pang-banlaw para tiyak na malinis ang katawan. Maganda ang mild soap tulad ng Johnsons at Dove.

Mainam ding maligo bago matulog. Sa ganitong paraan,  hindi kakalat ang dumi mula sa buhok papunta sa mukha na nagdudulot ng tagihawat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with