^

PSN Opinyon

Ang bakbakan nina Duterte at De Lima

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG walang hangganang patutsadahan nina Duterte at De Lima ay parang teleserye na, karamihan sa ating mga kababayan ay nakadikit na sa telebisyon mapabahay man o opisina.  Walang nakaaalam kung kailan matatapos ang palitan ng mga maaanghang na salita ng dalawang ito.

Ito ba ang mga modelo ng ating bansa na dapat tularan ng ating mga kabataan pagdating ng panahon?  Mga edukadong tao, mataas ang kanilang pinag-aralan pero bakit ganun ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig. Lalo na si Duterte hindi talaga niya maiwasang magmura sa mga bumabatikos sa kanya, akala ko ba pag siya’y nakaupo na bilang pangulo ay tatanggalin na ang pagmumura? Kunsabagay mahirap tanggalin ang nakasanayan na. Pati personal na pamumuhay ng senadora ay naungkat na sa pagkakataong ito. Wala namang perpektong tao, lahat tayo ay may “skeleton in the closet”. Sana hindi na isinapubliko ng pangulo ang pri­badong parte ng buhay ni De Lima dahil kung tutuusin ay wala syang pakialam dito. Trabaho lang walang personalan.

Noong isang linggo tinanggal si De Lima sa puwesto bilang chairman ng senate committee on justice and human rights.  Siniguro ng pangulo na ipakukulong niya si De Lima, dahil meron daw matibay na ebidensya laban dito tungkol sa Bilibid drug money. Ganyan ang pulitika sa ating bansa, hahanapan ng butas ang isang pulitiko para masira ang reputasyon nito. Weder, weder lang yan, kahit nung mga nakaraang administrasyon nangyayari na yan. Malas lang ni De Lima dahil siya ang matinding kalaban ng adminis­tras­yong ito. Pinagkaisahan siya ng kanyang mga kasamahan sa senado, hinusgahan na hindi pa nalilitis. Ako’y naiinis na dahil karamihan sa ating mga pulitiko ay balim­bing kung sino ang nakapuwesto ay dun sila dumidikit, madalas mangyari ito tuwing nagpapalit ang administrasyon. Suportado ko ang sinabi ni De Lima na ang bawat isa ay may karapatang litisin hindi dapat maging mapanghusga.

Kahit ganito si Duterte maganda ang kanyang performance at mga tauhan niya. Ang mga batas na hindi nabigyan ng pansin noong nakaraang administrasyon, ngayon ay nagi­ging prayoridad pa.  Sana matapos niya ang anim na taon sa serbisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with