^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May shabu pa rin sa Bilibid

Pilipino Star Ngayon

SPECIAL Action Force (SAF) na ang nakaguwar­diya sa New Bilibid Prison (NBP) pero patuloy pa rin ang pagpasok ng kontrabando sa loob. Kahit na nagkakaroon na ng imbestigasyon sa illegal drug trade sa NBP, hindi pa rin napuputol ang mga kasamaang nangyayari roon. Patuloy ang pagpasok ng shabu at mga armas. Wala pang nakikitang pagbabago sa NBP at sumasama pang lalo.

Kahapon, nagkaroon ng riot sa Building 14 at isang inmate ang napatay. Isa ang nasa kritikal na kalagayan at dalawa pa ang malubhang nasugatan. Pawang pananaksak ang dahilan kaya may namatay. Kinilala ang namatay na si Tony Co, na nagtamo ng mga saksak ng ice pick sa katawan. Si Co ay may kasong kidnapping at habambuhay na pagkabilanggo ang parusa. Si Co ay kabilang sa Bilibid 19.

Kabilang sa mga nasugatan sina Peter Co, Vicente Sy, Clarence Dongail at Jaybee Sebastian. Si Sebastian ang itinuro ng mga convicted drug dealers na nagpapakalat ng shabu sa NBP para pondohan ang kandidatura ni dating Justice secretary Leila de Lima sa pagkasenador noong nakaraang May elections.

Ayon sa report, nag-umpisa ang riot nang mahuli ng isang inmate na nagsa-shabu sina Tony Co, Peter Co at Vicente Sy. Sinaway umano ni Dongail ang grupo at pinangaralan na huwag mag-shabu. Pagkatapos ay nagtungo ito sa selda ni Sebastian at doon na nagsimula ang riot. Naglabu-labo na ang mga grupo ng inmate – Batang City Jail, Genuine Ilocano at isa pang grupo. Nang matapos ang riot, nakabulagta na si Tony Co. Isinugod ito sa ospital at ang iba pang sugatan. Dead on arrival si Co sa ospital.

Paano nakapasok ang shabu at mga ice pick? Nakalusot sa SAF? Sabagay kung ang mga mala­laking bagay na gaya ng air-con, kama, Jacuzzi at iba pa ay naipapasok, gaano na ang shabu.

Marami nang nangyaring riot sa NBP at mayroong naghagis ng granada. Mauulit ang pangya­yaring ito sapagkat kayang-kaya pang magpa­lusot ng mga bilanggo. Doblehin pa ang pagbabantay ng SAF para walang makalusot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with