^

PSN Opinyon

P2.4 billion araw-araw sayang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG sayang ang P2.4 billion na kabuhayan sana ng madlang pinoy na nawawala umano araw-araw dahil sa problema nararanasang pambansang krisis dulot ng malalang kalagayan ng traffic,traffic,traffic!

Tanong-anong ang tulong para masolusyunan ang grabeng trapiko?

Sagot - bigyan ng agarang kapangyarihan si Boss Digong para utasin este mali lutasin pala ang matinding traffic!

‘Alam natin hindi Superman si Boss Digong pero sa palagay ko kapag binigyan ito ng emergency power magagamit niya ito para mapabilis na masolusyunan ang pinag-uusapan natin.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last 2014 nagkaroon ng masusing pag-aaral ang Japan International Cooperation Agency tungkol ito sa problema ng malalang traffic sa Metro - Manila partikular sa EDSA kaya naman nasabi nila na P2.4 billion halaga ang nawawala everyday sa Philippines my Philippines.

‘Ano ang dapat gawin?’ tanong ng kuwagong lasenggo.

‘Madaliin ng kongreso ang hinihingi ni Boss Digong.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaksyon na ang ilang kongresista para sa hinihingi ni Boss Digong dahil inaayos na sa Kamara.  Pamumunuan ni Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation ang bubuuing technical working group na babalangkas sa mga panukalang nag­lalayon bigyan si Boss Digong ng emergency power para tugunan ang mga problema sa malalang kalagayan ng traffic.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may planong gisahin este mali pag-isahin pala ang 10 assorted na panukala na inihain ng mga kongresista para sa substitute bill.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang 10 bills na bigyan ng emergency power si Boss Digong ay ang House Bill 3, nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez, Deputy Speaker Raneo Abu, Rep. Karlo Alexei Nograles, Rolando Andaya, Jr., Michael John Duavit, Carlos Cojuangco, Elisa Kho, Benhur Salimbagon, at Rodel Batocabe. Ang House Bill 38 ni Rep. Arthur Yap; House Bill 119 ni Deputy Speaker Raneo Abu. Ang House Bill 554 nina Reps. Gloria Macapagal-Arroyo at Bayani Fernando. Ang House Bill 1315 ni Rep. Winston Castelo; HB 1666 ni Rep. Strike Revilla; HB 3048 ni Deputy Speaker Pia Cayetano; HB 3162 ni Rep. Gus Tambunting; HB 3314 ni Rep. Marlyn Primicias-Agabas; at HB 3442 nina Reps. Evelina Escudero at Maria Vida Espinosa.

Abangan.

Onsehan kaya?

SA tono ng pananalita ni dating PNP - CIDG director Benjie Magalong parang na onse siya diumano ni dating DOJ Secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima ito ay tungkol sa usapin ng oplan Cronus para bigyan solusyon ang malalang kalakalan ng droga ng maamoy ng una bilang drug capital ang New Bilibid Prison.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ikinanta ni Magalong, sa pagdinig sa House Committee on Justice noong nakaraan araw ang oplan Cronus ay itinatag niya kasama ang mga pili at mapagkakatiwalaan tauhan niya sa CIDG para salakayin ang bilibid matapos sila makakuha ng impormasyon na ang droga ay talamak sa loob.

Ayon sa sumbong ni Magalong nagpaalam siya kay de Lima sa mga dapat gawin sa NBP pero hindi daw binigyan halaga ng huli ang mungkahi niya na salakayin ang bilibid kasama ang kanyang tauhan kundi initsapuera sila at bumuo ng ibang unit ang Senadora para sila ang tumara este mali tumira pala sa NBP.

Sa tuno ng ikinanta ni Magalong sa pagdinig sadyang inunahan ng mga dating opisyal na pinamunuan ni De Lima ang oplan Cronus sa diumano’y takot mabuwag ang sindikato ng illegal drugs sa loob ng NBP.

‘Ano ba ito?’

‘May palagay ako na mukhang alanganin sa ngayon ang situasyon ni de Lima sa mga nangyayaring pagdinig sa kapulungan.’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with