^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May magagawa para mapaluwag ang trapik

Pilipino Star Ngayon

SA Nobyembre pa umano maaaprubahan ang ipagkakaloob na emergency powers kay President Rodrigo Duterte para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila particular na sa EDSA na nga­yon ay lalong lumulubha. Ang dating isang oras na biyahe mula Trinoma-North EDSA patungong Ayala Avenue, Makati City ay dalawang oras at kalahati na. May nagtitiyaga naman sa MRT kahit na siksikan at tumitirik pero mas marami pa rin ang pabor sa bus sapagkat hindi na nila kailangang maglakad o sumakay pa para makarating sa tanggapan.

Abala ang House of Representatives at ang Senado para mabigyan ng solusyon ang problemang trapik sa Metro Manila. Ang House committee on transportation ay napagpasyahan na ang pagbibigay ng emergency powers kay Duterte para malutas ang traffic problem. Kapag napagkalooban ng karagdagang kapangyarihan si Duterte, malaya na itong makakagalaw para mabigyang kalutasan ang problema. Mas magiging mabilis ang pag-akto sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr). Sabi ng DOTr, mas mapapabilis ang paggalaw ng tanggapan kapag may kapangyarihang iniatas sa Presidente.

Sa Senado naman ay abalang-abala rin si Sen. Grace Poe, pinuno ng komite para mabilisang maaprubahan ang batas na magbibigay ng emergency powers kay Duterte. Ayon kay Poe, maaaring sa Nobyembre para maaprubahan ang final draft. Pagdedebatehan pa umano ang panukalang batas. Suhestiyon ni Poe para mapaluwag ang trapik, agahan ang Christmas vacation ng mga estudyante.

Kung sa Nobyembre pa maaaprubahan ang emergency powers ni Duterte para sa trapik, ano ang mga gagawin ngayong sobra-sobra na ang nangyayaring trapik. Dapat gumawa ng mga re­medyo para rito habang naghihintay ng ipagkakaloob na power sa Presidente.

Hulihin ang mga colorum, linisin ang kalye sa mga naghambalang na sasakyan, vendors, basketball court at kung anu-ano pa. Maraming magagawa para mapaluwag ang trapik sa Meto Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with