^

PSN Opinyon

‘Dark Justice’ ni Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMING taon na ang nakararaan, mayroong isang aksyon series sa telebisyon na paborito kong panoorin na ang titulo ay Dark Justice.

Ang bida ay isang hukom na dahil sa masalimuot na proseso ng hustisya ay lumalabas tuwing gabi na incognito (hindi kilala) at nakasakay sa motorsiklo upang iligpit yung mga nadedemandang pusakal na criminal sa kanyang sala. Sa ibang salita, inilalagay niya ang hustisya sa kanyang sariling kamay kahit pa siya ay isang hukom.

May pagkakahawig ang estilo ni Presidente Duterte na mahilig ding sumakay sa motorsiklo. Ang sigaw ng iba, puro mahihirap lang ang napapatay sa kampanya kontra sa droga. Pero kamakailan lang, isang mag-asa­wang big-time drug lord na matapos lumantad para pabu­­laanang sila’y sangkot sa droga ay iniligpit. Tapos sinabi niya, “sino ang gustong sumunod?”

Sa kabila ng kaliwa’t kanang tuligsa sa mga nangya­yaring pagpaslang sa mga drug suspects, tiniyak ng Pangulo na tatapusin niya ang sinimulan niyang giyera laban sa illegal drugs kahit makulong siya basta malipol ang mga sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ito ng Pangulo kahapon sa kanyang mensahe sa mga pinauwing 128 OFW’s na nawalan ng trabaho sa Al-Kobar, Kingdom of Saudi Arabia sa NAIA terminal 2. Aniya, labis niyang ikinalulungkot na mayroong namamatay na Filipino sa inilunsad niyang giyera.

Pero walang magagawa dahil ang intension niya ay masugpo ang bisyo at hindi maiiwasang may mga mamatay na Pilipino na naghahasik ng salot na ito sa bansa. Dahil sa tigas ng paninindigan, napagkakamalang may balak siyang maging diktador tulad ni Marcos. Pero binigyang diin  niya na wala siyang balak maging diktador.

Sana nga’y malusutan ng Pangulo ang buo niyang 6-taong termino na walang nangyayaring masama sa kanya. Pero matapos man siya ng maluwalhati, ano kaya ang naghihintay sa kanya sa labas ng kapangyarihan? Maaaring tambakan siya ng mga demanda at posible pang makulong. Pero aniya, handa siyang danasin ito alang-alang sa kanyang bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with