^

PSN Opinyon

Bawiin lahat ng plaka

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINABABALIK na ni House Speaker Pantaleon Alvarez­ ang lahat ng numero otsong plaka na ibinigay sa lahat ng kongresista ng mga nakaraang Kongreso. Ito matapos madiskubre na ilang sasakyang may plakang “8” ang nakaparada sa isang cybersex den sa Pasay City itong Agosto. Bakit nga naman ang sasakyan ng mga kagalang-galang na mambabatas ay nakaparada sa lugar na may masamang reputasyon? May mga batas bang malilikha sa mga lugar na iyan? Kung bakit tila ipinagmamalaki pa ang plakang “8” habang nakaparada sa ganyan klaseng lugar ay nakapagtataka talaga.

Sang-ayon ako sa pagbawi ng mga plakang iyan. Alam natin ang mga araw-araw na pang-aabuso na ginagawa ng mga sasakyan na may mga plakang “8”. Pumaparada kahit saan, kahit sa mga bawal na lugar, hindi sumusunod sa mga batas-trapiko, kadalasan hindi pa nagbabayad ng parking sa mga lugar na may ba­yad, nakakaparada sa mga magagandang puwesto sa mall, kainan, at kung saan-saan pa na hindi magagawa ng ordinaryong tao. Lahat na lang ng benepisyo nabibigay sa kanila, dahil lamang sa plakang “8”. Bawiin na nga lahat iyan. Pero sa totoo lang, bakit hindi na ipagbawal sa lahat ng kongresista, pati na sa mga kasalukuyang mambabatas? Ano nga ba ang layunin ng plakang “8” kundi para maging abusado lamang? Hindi ba dapat ang mga mambabatas ang nagsisilbi sa mamamayan, hindi kabaligtaran?

Naiintindihan ko ang mga plakang “1” at “2” para sa Presidente at Bise-Presidente. Karapatan nila iyan bilang mataas na opisyal ng bansa. Pero para sa mga iba, hindi na kailangan iyan. Hindi kailangang malaman ng lahat na may dumadaan na senador, kongresista, mahistrado, kalihim at kung sino-sino pa ang nabibigyan ng mga plakang mabababang numero. Kapag nakita ba natin ang mga plakang iyan ay dapat tumabi tayo, magbigay galang? Eh kung sa cybersex den sa Pasay lang pala pupunta? Dapat mawala na nga ang plakang “8” na iyan, na ginagamit lang para makalamang sa tao. Masamang ugali ng Pilipino iyan, na kapag nasa poder ay tila obligasyon ng lahat na bigyan sila ng espesyal na pagtrato. Banggitin ko na rin na tila bumabalik ang mga sasakyang may mga ilaw at sirena sa kalsada, bagay na pinaghirapang tanggalin ng nakaraang administrasyon. Sana naman­ hindi bumalik ang masamang ugaling iyan. Sa sama ng trapik ngayon, hindi natin kailangan ang mga “feeling­ importante” sa kalsada na mambabraso lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with