^

PSN Opinyon

Necessary evil?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BATID nating lahat kahit noon pa na malala ang problema sa bawal na droga sa bansa. Malamang, may mga malapit pa tayong mga kamag-anak na biktima ng droga. Pero hindi natin alam ang nakagigimbal na lawak nito hanggang maupo si Presidente Digong at naglun­sad ng malawakang pakikidigma laban sa mga drug lords. Na pati ilang halal na opisyal at mga matataas na opisyal ng pulisya ay sangkot sa krimeng ito.

Ang problema nga lang, kahit saang digmaan, may mga napapatay na hindi dapat madamay. Nakalulungkot na karamihan sa mga nadadamay ay yung mga mahihirap kaya umaani ng batikos sa mga human rights advocates ang anti-drug war ng pamahalaan pati na sa Uni­ted Nations. Ayaw natin ang mga kabi-kabilang patayang nangyayari. Sana nga may ibang paraan na malulutas sa mabilis na panahon ang halimaw na problemang ito na hindi gagamit ng dahas.

Kaso, ang pondo ng mga foreign based drug lords ay mahirap tapatan kung hindi gagamitan ng dahas. Kaya nga sa kabila ng panganib na mademanda siya matapos ang kanyang termino, determinado ang Pangulo na ituloy ang giyerang napasimulan niya.

Ayon sa economic manager ng Pangulo, pabor sa mga investors ang inilunsad na drug war ng gobyerno laban sa illegal drugs dahil sa umayos ang peace and order sa bansa. Ani NEDA director-general Ernie Pernia sa media briefing sa Malacañang, malaki ang ibinaba ng krimen sa pinaigting na drug war ng pamahalaan.

Ang totoong problema ng administrasyon, hindi nito mapigil ang mga pagpaslang o summary execution na isi­nasagawa hindi ng mga alagad ng batas kundi ng mismong mga drug lords sa mga galamay nila dahil sa pangambang malamang kumanta na ang mga ito na mabunyag ang kanilang katauhan.

Patuloy na umaani ng tuligsa ang Pangulo dahil na rin sa dumami din ang extra judicial killings matapos paigtingin nito ang anti-drug war sa buong bansa.

          

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with