^

PSN Opinyon

Change is coming to the Charter

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG alinmang pag-amyenda o pag-rebisa sa Saligang Batas ay maari lamang ipanukala: (1) ng mismong Kongreso (Senate at House) na umaakto bilang Constituent Assembly (ConAss); o (2) ng Constitutional Convention (ConCon). Maari rin magpanukalang direkta ang mismong taong bayan ng mga amyenda lamang (hindi kasali ang revision) sa pamamagitan ng People’s Initiative. Alin man sa tatlong paraan ang gamitin, kailangan muna dumaan sa plebisito at makuha ang mayorya ng boto ng taong bayan.

Sa mga pahayag ng administrasyong Duterte, mali­naw na may intensyon si President RRD na umpisahan na ang debate tungkol sa Federalism. Hindi karaniwang amyenda ang pagbabago ng porma ng pamahalaan mula sa nakasanayang Centralized patungo sa Decentralized na makikita sa mga bansang may Federalismo. Maituturing itong Revision dahil malaki-laking bahagi ng Konstitusyon ang maaapektohan. Dahil dito ay tanging ang Kongreso bilang ConAss o isang ConCon ang pwedeng magpanukala ng pagbabago.

Nilinaw na ng Pangulo ang kanyang pagkiling sa ConCon. Siyempre, hindi komo sinabi ni Presidente na ConCon ang personal choice niya ay awtomatiko nang ganito ang pamamaraang gagamitin. Tanging ang Kongreso, sa pamamagitan ng 2/3 vote ng lahat ng miyembro nito ang pwedeng magsabatas ng ConCon o di kaya sa pamamagitan ng majority vote ay isakamay ng taong bayan ang katanungan ng kung gusto nito magkaroon ng ConCon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag­lagay sa balota (pwedeng isabay sa Barangay elections) ng mga bilog na yes or no para sa tanong na “gusto mo bang magConCon”?

Hindi na natin matatakasan ang debate ng kung napapanahon ba ang pagbabago ng ating Saligang Batas, lalo na sa isyu ng Federalism. Maganda na sa umpisa pa lang ay tinukoy na ni RRD ang isyu nang walang magkamali sa kanyang intensyon o maghinala na ginagamit lamang ito para mapanatili ang sarili sa kapangyarihan. Tulungan natin ang sarili at kusang pag-aralan ang proseso ng Constitutional Change at ang mga nakakayanig na usaping siguradong pagtatalunan ng ating mga kinatawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with