^

PSN Opinyon

‘KSP’ng mga dilaw!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PAREHONG kulang sa pansin kaya nagpapapansin si VP-elect Leni Rodrigo at outgoing Customs Commissioner Alberto Lina.    

Hindi pa man nakakaupo, si Leni lumalabas na ang totoong kulay. Walang pinagkaiba sa presidente niyang dilaw.     

Palibhasa hindi pa rin nakakasingit ng appointment kay President-elect Rody Duterte, dumayo pa sa Japan para lang maglabas ng sentimyento sa media.

Gustong makuha ang simpatya ng tao para isipin ng publiko malupit si Duterte sa kaniya.

Nakalimutan ‘ata ni Leni na ang asal at trato sa kaniya ng mamang taga-Davao epekto lang ng kanilang ‘Ro-Ro’ campaign. Ang eleksyon daw ay sa pagitan lang ng ‘good and evil’ kung saan sila ni Mar Roxas ang mabuti.       

Kaya, Leni, tama lang ang sinabi mo. Maghintay ka dyan hangga’t kailan mo gusto.

Kung tutuusin, disente pa nga si Duterte. Tinirahan ka pa ng konting hiya. Naniniwala siya, si Bong-Bong Marcos ang nanalo, dinaya lang.

Ito namang si Lina, kuntodo sa pagpi-presinta. Pero ayaw aminin na nag-a-apply sa Duterte administration.    

Gusto niya raw maging traffic czar o ‘di naman kaya MMDA chairman para maisaayos ang trapiko sa Metro Manila.    

Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng tibay ng sikmura at laman-loob. Hindi na nga naayos ang Bureau of Customs, talamak pa rin ang smuggling at korupsyon, ngayon gusto pang ituloy ang kaniyang kapalpakan.  

Si Lina rin ang nasa likod ng kontrobersyal na balikbayan box na gusto niyang buwisan. Dahil bagsak ang buwanang koleksyon ng ahensya OFW ang pinagdiskitahan.    

Kinakailangan rin daw munang buksan at kalkalin ang mga padala baka may nakatagong kontrabando o ilegal na droga. Maraming OFW ang nagalit at nabwisit kay Lina.

Sabi nga ni PNoy na ganap nang citizen Noy bukas, “Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

Direktamenteng mensahe n’ya sa’yo ‘yan, Lina!    

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with