^

PSN Opinyon

‘Paglilinis sa BITAG’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA LOOB ng 14 taon, natamasa namin ang mga oportunidad at biyaya ng Poong Maykapal.  Lumaki at lumawak ang aming kumpanya. Lumaki rin ang aming res­ponsibilidad at patuloy namin itong gagampanan.

Hindi lang responsibilidad kundi pananagutan sa taum­bayan. At higit sa lahat sa Poong Maykapal.

Naging household name na ang BITAG sa lara­ngan ng serbisyo-publiko at investigative media. Kasalukuyan, patuloy pang lumalawak ang aming saklaw sa pagi­ging analytical media.

Nag-aanalisa ng mga isyung napapanahon na may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan sa ating lipunan at pangangasiwa ng ating pamahalaan. Kabilang dito ang mga krimen, ekonomiya at iba pa.

Subalit habang lumalaki kami, hindi namin maika­kaila na nagkaka-problema rin kami sa loob. May ka­sa­­bihan.’Ika nga, sa bawat gubat, may ahas.

May mga taong itiniwalag na ng BITAG bago pa man makasira sa aming kumpanya, ang BITAG Media Unli­mited Incorporated (BMUI).

Istrikto ang sinusunod naming mga pamatayan. Dapat itong malaman ng publiko. Lahat ng ito ipo-post namin sa aming official website at mga official Face­book page.

Ilalagay rin namin ang mga pangalan ng mga lehitimo at aktibong empleyado ng BITAG maliban lang sa kanilang mga larawan.

Sakaling may magpakilala sa inyo gamit ang mga pangalang aming ipo-postkumpirmahin agad sa aming­ tanggapan. Alamin ang kanilang identidad upang hindi magamit sa anumang katarantaduhan.

Idini-deklara rin namin, mali ang mga nakasulat sa Wikipedia tungkol sa BITAG. Hindi namin alam kung saan sila kumuha ng mga impormasyon.

Marami pa kaming ilalabas na mga advisory at all points bulletin sa mga susunod na araw.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with