^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging handa sa pagtama ng lindol

Pilipino Star Ngayon

GINANAP noong Miyerkules ang ikalawang Metro Manila earthquake drill na pinamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Pagsapit ng 9:00 ng umaga, sa pagtunog ng siren, sabay-sabay na idinaos ang drill. Matagum-pay ang pagdaraos ng drill, ayon sa MMDA.

Unang ginanap ang shake drill noong naka­raang Hulyo 2015 na naging matagumpay. Na­­ki­isa ang marami lalo na ang mga school, government offices, hospital at maraming iba pa. La­yunin maihanda ang mamamayan sa biglang pagtama ng lindol. Ang pagpapanik sa oras ng mga kalamidad ang dahilan kaya maraming namamatay.

Ayon sa Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) walang makapipigil sa paggalaw ng West Valley fault. Pinakamagandang magagawa ay maging handa ang mamamayan, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa, Kailangan ang earthquake drill para maihanda ang mamamayan sa pagtama ng the “Big One”.

Inilabas ng Phivolcs noong Mayo 2015 ang mga lugar na sakop ng faultline ganundin ang mga isruktura na nasa ibabaw nito. Ayon sa Phivolcs, ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite.  Kung tatama ang 7.2 na lindol sa nasasakop ng faultline maraming mamamatay. Noong 2013, nagbabala ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion. Natukoy ang West at East Valley Fault nang magsagawa ng pag-aaral ang Phivolcs katulong ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau sa tulong ng Australian government.

Nararapat makiisa ang mamamayan sa ginagawang earthquake drill para maging handa. Nararapat mamulat ang lahat sa kahalagahan ng paghahanda sa pagtama ng lindol. Bukod sa quake drill, magdaos din ng fire drill sapagkat kadalasang ang kasunod ng lindol ay sunog. Hindi ito dapat balewalain

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with