^

PSN Opinyon

Upakan na?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Tingnan ninyo itong mga birada nang ating mga ala­gad daw ng batas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matin­di na ang pagpa-plano kung paano nila kakalawitin o papatayin ang mga druglords.

Sabi nga, kung lumaban?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ginawa ng mga rakpadudels kumunek agad sa mga kaibigan newsmen dahil iba na rin ang lumabas sila sa media para nga naman makilala ni Pangulong Digong at makakurot man lang sa kanyang P1 billion pabuya. Hehehe!

Hindi ko naman sila pipigilin. Sila ang batas, kaya  dapat nilang tuparin ang kanilang tungkulin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi lang nila maintindihan bakit hindi pa man nila nahuhuli ay pinagpa-planuhan na nilang patayin diumano ang ibang mga suspects?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tulad na lang nang nabalita na isang mala­king  druglord at dalawa pa napatay.

Sabi nga, malaking balita!

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iyon palang druglord na kanilang pupuntahan para hulihin ay naka-eskapo. Hehehe!

Ang napatay ang dalawang julalay pero mga druglords na rin sila sa lumabas na balita? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga balita lumalabas ngayon doble na ang mga nai-uulat na mga napatay regarding sa usapin ng illegal drugs dahil daw sa masusing pagtugis ng mga alagad ng batas sa mga pusakal.

Marami pa iyan pag naupo na si mayor, este Pangulong Digong dahil galit ito sa droga tulad na ipinangako nito na pupuslbusin niya ang mga druglords.

Kasi nga naman hindi puede sa Davao yang huli-huli lang kailangan patay kung patay?

Kapag nagkasala hustiyang kamatayan, kung ito ay matindi at mga karumaldumal na kaso. Walang kaibigan, kama-kamag-anak kay Digong.

Magbalik tanaw kaya tayo.

Ganyang-ganyan si dating Pangulong Marcos.  Galit na galit sa mga drug trafficker noong nagdeklara  siya ng Batas Militar, sumampol pa at ipinakita  sa telebisyon kung paano patayin ang isang kila­lang drug lord.

Ilan taon ang nakalipas, naisip pa ng rehimen na tugisin hindi lang mga drug trafficker, kundi lahat na ng mga magnanakaw, karnaper, rapist at kung anu-ano pang  ha­yop ng lipunan sa Philippines My Philippines.

Sabi nga, Licensed to kill sa Metro Manila ang mga kapulisan at Metrocom.

Una mga 25 suspek ang napatay gabi-gabi. Tuwang-tuwa ang madlang people. Ito ang sabi ng mga pahayagan pag-aari ng mga crony ni Marcos.

Ilang araw pa umaabot na mula 45 hanggang mahigit 55 ang everyday na napapatay.

Bida pa ang ng mga “secret marshall,” ito yong mga pulis na itinalaga para usigin ang mga kriminal.

Hindi naglaon, lumalabas ngayon marami  sa mga napatay ay mga aktibista. Yung iba naman  ay mga kaaway  ng mga pulis dahil marami silang reklamo.

Sabi nga, walang karapatang pantao sa panahong iyon.

Ika nga, patay kung patay.

Hindi naglaon natakot ang madlang Pinoy. Hindi mo na malaman kung ikaw ay maglalakad sa gabi at baka tugisin ka ng mga secret marshall.

Dahil sa mga pangyayari pumalag ang international community. Bumaho si Pangulong Marcos. Hindi natakot kundi galit sa rehimen.

Sana ibahin natin si Pangulong Digong. Change me. Change is coming.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with