^

PSN Opinyon

Wala ring nangyari

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA ring nangyari sa kaso laban sa ilang pulis at tauhan ng OTS sa NAIA hinggil sa naganap na insidente ng “tanim-bala” kay Lane Michael White noong nakaraang taon. Hindi raw sapat ang ebidensiya na isinumite laban sa mga inakusa ni White na tinangkang kikilan siya umano ng P30,000 para makalaya na lang, at “masisira raw ang kanyang buhay sa kulungan”. Kaya dahil ibinasura ang kaso, malaya na sila. Wala tayong magagawa kung iyan ang desisyon ng mahistrado.

Pero hindi ba ipinakita na ilang beses ipinasok ang bag ni White sa x-ray machine bago nakita ang maliit na bala? At ipinasok pa umano ng tauhan sa x-ray ang kanyang kamay sa bag bago “natagpuan” ang bala? Kung hindi ako nagkakamali, para sa .22 caliber ang balang nakita sa kanyang bagahe. Napakaliit niyan at madaling ilaglag na lang sa bag. Unang ibinasura ng korte ang kaso laban kay White, pero nagsampa sila ng kaso laban sa mga otoridad dahil mali umano ang kanilang ginawa sa kanila. Pero ganun nga, ibinasura ang kaso. Sigurado batikos ang magla­laman ng social media sa desisyong ito.

Sana naman huwag na silang ibalik sa NAIA. Sa tingin ko wala rin namang magtitiwala sa kanilang pasahero kung sila pa rin ang magbabantay ng mga x-ray machine. Kung magkakaroon na ng bagong hepe ang NAIA, dapat pati mga tauhan ng Office for Transportation Security at mga pulis na naka-destino sa NAIA ay palitan na rin. Para bago lahat. Isang linggo na lang. Magpatuloy kaya ang “tanim-bala” na iyan kapag bago na ang mga tauhan?

Tandaan na ayon sa imbestigasyon ng NBI, may ilang mga tauhan ng OTS sa NAIA na tiwali at sangkot sa “tanim-bala”, pero hindi naniwalang may sindikato. Walang saysay ito sa mga pasahero, kesyo maging biktima sila ng sindikato o ilang tao lamang. Ang masama ay biktima sila. Ang kaba at perwisyo na maidudulot kapag natagpuan ng bala na hindi naman talaga sa iyo ay hindi magandang karanasan. Kaya payo sa lahat ng pasahero, maging maingat pa rin. Huwag maging kampante na wala nang mga kriminal sa NAIA. Kung nabasura ang kaso laban sa mga pulis at tauhan na kinasuhan ni White, baka nagbigay lang ito ng lakas ng loob sa kanilang lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with