^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Baguhin na ang lifestyle, kung hindi…

Pilipino Star Ngayon

PANGALAWANG beses nang binalaan ni president-elect Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). Sabi niya sa pangalawang pagkakataon na dapat nang baguhin ng Customs at BIR officials ang kanilang lifestyle at magarbong pamumuhay. Itigil na nila ang ginagawang katiwalian. Mamuhay sila na kagaya ng karaniwang manggagawa sa gobyerno. Ayaw daw niyang makarinig na may mga corrupt sa tanggapan ng gobyerno.

Ilang araw makaraang ideklarang nanalong presidente, sinabi ni Duterte na ang BOC, BIR at LTO ang mga corrupt na tanggapan ng pamahalaan. Banta niya sa mga corrupt na tigilan na ang masamang ginagawa sapagkat hindi siya mangi­ngiming sibakin sa puwesto ang mga ito. Sabi pa niya, maraming BOC at BIR officials na ginagawa lang sideline ang kanilang suweldo. Mas malaki raw ang kinikita ng mga ito dahil sa pangungurakot.

Nang magtalumpati siya noong Miyerkules  sa Gen. Santos City, hiniling niya sa mga bagong elect na opisyal na tulungan at pagsilbihan ang mga taong nagluklok sa kanila sa puwesto. Ito na raw ang tamang panahon para gawin iyon. Nga­yong siya na raw ang presidente, gagawin niya ang lahat para matulungan at maprotektahan ang mamamayan lalo pa sa mga magsasamantala sa kaban ng bansa.

Maraming opisyal ng BOC at BIR na nagpapasasa sa yaman. Kurakot dito, kurakot doon at wala na silang kabusugan. Talo pa nila ang mga matatakaw na buwaya. Ang mga buwaya kapag nabusog ay tumitigil sa paglamon pero ang mga opis­yal at empleado sa BIR at Customs ay patuloy sa pangungurakot. Habang sila ay nagpapaka­busog, marami namang Pilipino ang hindi malaman kung saan kukunin ang kakainin kinabukasan.

Inaantabayan na ang pag-upo ni Duterte sa Hunyo 30 at aabangan ang pangako niyang paggulong ng ulo ng mga corrupt sa BIR at Customs. Matagal na ang kanilang pamamayagpag at dapat nang maputol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with