^

PSN Opinyon

3 suliraning haharapin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUNG mas mabilis nating maidaraos ang Halalan 2016, mas maaga natin mahaharap ang malalaking isyung pambansa. Sa pagkaabala natin sa pagpili ng mga bagong pinuno ay nakaligtaan natin ang mga suliraning ‘yan. Pero tiyak haharapin ‘yan ng bagong pamunuan at nating mga mamamayan.

Una ang problema sa China. Inanunsiyo nito na magtatayo siya ng airstrip sa inagaw niyang Scarborough Shoal. Ito’y dahil umano sa paghimpil ng US Navy sa Subic Bay, 123 milya (228 km) lang mula roon. Hindi tutuong dumedepensa lang ang Beijing laban sa 2014 kasunduang RP-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Noon pang 1989 binalak ng People’s Liberation Army-Navy na mang-agaw ng mga isla’t bahura ng iba’t ibang kasapi ng ASEAN. Bahagi ito ng pag-angkin nya ng buong South China Sea. Tatagal pa ang militarisasyon ng China, na maaring humantong sa giyera. Dapat itong pag-isipan nang husto.

Pangalawa ang lumalalang kriminalidad. Imbes na ma­puksa, lumalakas ang Islamist terrorism ng Abu Sayyaf at iba pang bagong sulpot. Nakapamugot na naman sila ng dayuhang kidnapping-for-ransom hostage. Hindi rin nalulutas ang mga karumal-dumal na krimen: araw-araw na asasinasyon sa kalye, droga, malakihang robberies, at pangungulimbat sa gobyerno. Samantala, makalipas ang halalan, nanganganib na biktimahin ng cybercriminals tayong 55 milyong botante. Ito’y dahil sa kapabayaan ng Comelec sa maseselang impormas­yong nakapaskel sa madaling na-hack na official website.

Pangatlo ang lumalalang kahirapan. Dumarami ang nagugutom dahil sa kapabayaan ng gobyerno, at mga sakuna na dulot ng climate change. Imbes na madagdagan ang trabaho sa bansa, dumarami ang overseas Filipino workers na mabababa ang sahod. Kakambal ng karalitaan ang kapaba­yaan sa kalusugan. Lumalala ang sakit at bilang ng handicapped; kinakapos ang laang pondo ng gobyerno para rito.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with