^

PSN Opinyon

Makinarya, hindi lang popularidad

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA puntong ito ng kampanya, hindi na Popularidad sa botante ang magpapanalo sa kandidato. Tapos na ang bisa ng surveys. Alam na ng mga kandidato kung ano ang lagay nila sa pambansa at lokal. Dito na pumapasok ang kahalagahan ng Makinarya.

Kabilang sa Makinarya ang organisasyon sa lebel ng sitio, ang kakayahang humakot o pumigil ng botante, mandaya at kontra-daya.

Kung kalahati ng pondong pangkampanya ay na­ubos na sa political advertising, posters, leaflets, at rallies, ang natitirang kalahati ay gugugulin sa Makinarya. Magpapaimprenta ng sample ballots ang mga kandidato para ipamigay ng ward leaders. Ang sample ballots ay kodigo sa pagmarka ng balota sa presinto. Bibilhin ng mga presidentiables, bise, senatoriables, at kongresista ang mga nakaupong lokal na opisyales -- na nangangampanya rin. Ito’y para dalhin sila imbis na ang kalaban (suwerte kung kamaganak nila ang lokal na opisyal). Sample ballots lang nila ang ipamimigay, at ipababasura ang sa katunggali. Daan-daang milyon ang ibabayad sa governors at mayors nang malala­king probinsiya at lungsod para ipa-etsa-puwera ang mga karibal.

Bahagi rin ng Makinarya ang pag-akit ng suporta ng mga lider-simbahan: Iglesia ni Cristo, El Shaddai, Kingdom of Jesus Christ, at iba pa.

Buo-buong pamilya rin ay bibilhin ang boto. Aabutan sila ng ward leaders ng antisipong tig-P1,000 kada bungo. Ang balanse -- kahintulad na halaga o mas malaki -- ay ibabayad kapag naiboto na ang namimi­ling kandidato sa Election Day. Ang mga kilalang supporters ng kalaban ay babayaran din -- para manatili sa bahay sa araw ng botohan.

May reserbang pondo ang Makinarya para suhulan ang technician ng Smartmatic -- para huwag i-transmit ang resulta ng mga presinto kung saan malakas ang karibal.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with