^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa kuko ng mga barbaro

Pilipino Star Ngayon

NAKAHANDA na umano ang P20-milyon ransom para sa Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng Canadian na si John Ridsdel, 68, subalit hindi pumayag ang mga kidnaper na ibaba ang halaga ng ransom. Humihingi ng P300-milyon bawat isang bihag ang Abu Sayyaf. Nang hindi magkasundo, pinugutan nila si Ridsdel, inilagay sa plastic bag ang ulo at saka dinala ng dalawang lalaking nakamotorsiklo malapit sa isang palengke sa Jolo, Sulu. Mabilis na tumakas ang mga lalaki at hindi naplakahan ang motorsiklo.

Gawain ito ng mga taong hindi sibilisado. Mga taong wala na sa katinuan at walang paggalang sa kapwa. Maaaring hindi na sila maituturing na tao sa ginawang pagpatay sa Canadian tourist.

Si Ridsdel, kasama ang kababayang si Robert Hall, ang Norwegian hotel manager na si Kjartan Sekkingstad at Pinay na si Marites Flor ay kinidnap noong Setyembre 21, 2015 habang nasa isang resort sa Samal Island, Davao del Norte.

Nakapanghihilakbot ang mga sinabi ng kaanak ni Ridsdel kaugnay sa karumal-dumal na pagpatay dito. Ginawa naman anila ang lahat para makalikom ng pera pero bakit pinatay pa rin si Ridsdel. Bakit kailangang gawin iyon? Ang akala raw nila, makakapiling na si Ridsdel pero hindi pala. Masyadong masakit ang nangyari sa kanilang pamilya. Nag­lahad ng kanilang damdamin ang pamilya ni Ridsdel sa CBC-News.

Maski si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay kinondena ang karumal-dumal na pagpatay sa kababayang si Ridsdel. Nangako siya na makikipagtulungan sa Philippine government para mabilis na mahuli ang may kagagawan sa pagpatay kay Ridsdel at maisilbi ang hustisya.

Nagbanta naman si President Aquino na gagamitin ang buong puwersa ng batas para mapulbos ang Abu Sayyaf. Ipinag-utos niya sa AFP at PNP na  durugin ang mga pumugot sa Canadian tourist at iligtas ang mga bihag. Dapat silang panagutin, sabi ng Malacañang.

Noon pa dapat ipinag-utos ang pagdurog sa mga barbaro. Ang problema sa AFP, urung-sulong ang opensiba. Hindi nila magawang tuluy-tuloy ang paglusob sa mga kuta ng Abu Sayyaf. Dahil sa papalya-palyang pagsalakay, nakakapag-recruit ang Sayyaf ng bagong miyembro. Hindi sila dapat tantanan. Pulbusin kung pupulbusin ang mga barbaro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with