^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isaayos ang vote-counting machines

Pilipino Star Ngayon

MULA nang maging automated ang election, lagi nang may pangamba na baka masira ang mga makinang pangbilang ng balota at magkaroon ng hokus-pokus. Mabuhay ang “dagdag-bawas” at magkaroon nang malawakang dayaan. Noong 2010 na unang sinubukan ang automated electons maraming beses na tinesting ang mga counting machines. May pagpalya ang mga makina at iniluluwa ang mga balota. Mayroong hindi binabasa ang balota. Maraming nagpayo na bumalik na lamang sa manu-manong bilangan at huwag nang ipagpi­litan ang automation. Pero desidido ang Commission on Elections (Comeles) noon na ituloy ang nasimulan. Hanggang sa maging matagumpay ang 2010 elections at walang naiulat na dayaan. Noong Mayo 2013, muling idinaos ang automated midterm elections at naging matagumpay din.

Ngayong nalalapit na ang May 2016 elections, nagkakaroon na naman ng isyu sa counting machines. May mga makina na naman na nire-reject ang mga balota. May machine na walang kakayahang magbasa at kung anu-ano pang problema o glitches na hanggang sa kasalukuyan ay pilit pang isinasaayos ng kompanyang humahawak sa counting machines.

Para matesting na mabuti ang counting machines, magsasagawa ngayong araw na ito ng mock elections sa 20 locations sa bansa. Ito ay para masiguro kung walang problema sa mga machines na gagamitin sa election sa Mayo. Mate­testing ang kapabilidad ng vote-counting machines (VCM), trans­mission devices, consolidation and canvassing­ system. Ayon sa Comelec, nakasi­siguro sila na magiging maayos ang resulta ng mock elections. Nasa 25,000 voters umano ang makikiisa sa gagawing mock elections.

Kapag naging matagumpay ang mock elections ngayon, maaari nang masabi na magkakaroon nang malinis na election sa Mayo. Ito naman ang hinahangad ng mga kandidato at nang mamamayan mismo. Nakalaya na ang bansa sa lumang sistema ng election na manu-mano ang pagbi­bilang at nababahiran ng dayaan. Nararapat siguruhin ng Comelec na hindi magkakaroon ng problema ang mga VCMs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with