^

PSN Opinyon

Saging: Pampalakas ng katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.

Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.

Sobrang daming benepisyo ng saging:

1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sa­riling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

3. Parang multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa!

4. Mabuti sa colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba n’yo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, magsaging ka na.

7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.

8. Baka makabawas ng leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay laging pakakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala.

9. Puwede sa may diabetes – Puwede naman ang saging sa may diabetes. Mga 1 or 2 saging lang bawat araw. Piliin lang ang ripe pero hindi ang mga over-ripe na saging dahil matamis ito. Ang pinag-iiwas lang talaga sa diabetes ay ang asukal, kaning puti at mga matatamis na pagkain.

Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with