^

PSN Opinyon

Rep. Robredo ‘pamunas’ ng LP?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY mga kaibigan akong political observers na nanghihinayang kay Rep. Leni Robredo. Kasi raw maganda ang kanyang imahe at record ng pagseserbisyo sa publiko at dala-dala pa niya ang maningning na imahe ng yumaong asawang si DILG Secretary Jesse Robredo.

Pero dahil daw pumayag pumareha bilang bise president ni LP presidential bet Mar Roxas, ayaw umangat ang popularidad at mas angat pa sa kanya sina Chiz Escudera na pumapang-una sa survey at Bongbong Marcos na pumapangalawa.

Bago pasukin ang pulitika, napakaganda ng imahe ni Leni bilang kakampi at tagapagtanggol ng mga mahihirap at nang mga napagkakaitan. Matatawag nating makislap ang kanyang ipinakikitang imahe sa publiko lalu pa’t maybahay siya ng isa sa mga mapagkumbaba, magaling at walang bahid ng korapsyon na si Jesse.

Nang buhay pa si Jesse na  mahusay na naglingkod bilang hepe ng DILG, si Leni naman ay pribadong nagsisilbi bilang abogada  na ipinaglalaban ang karapatan ng mga mahihirap.

Tapos, pumayag si Leni na maging running mate ni Mar Roxas na ang pagkakaugnay sa Aquino administration ay tila naging hadlang sa pag-taas ng popularidad. Kaya tila naging  “spare tire” si Leni para sa walang kakinangkinang na kampanya ni Mar Roxas.

Nung una ay tila matatag ang pasya ni Leni na huwag pasukin ang mas mataas na antas ng politika. Kaya marami ang nagtaka nang tanggapin niya ang alok ng LP na maging bise ni Roxas sa darating na halalan. Kongresista si Leni na tumalo sa mga mahigpit na kalaban ng kanyang yumaong asawa sa pagka-Representante ng Mababang Kapulungan. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit pumayag siya sa alok ng LP.

Sa ginawa niyang ito’y parang sumira siya sa kanyang covenant sa mga taga-Naga na mananatiling Kongresista ng kanilang distrito. Pero sa isip ng mga kababayan niya at sa isip ng ibang mapanuring tao, laging nakatatak ang tanong na “bakit?” Bakit ginusto niyang sumabak sa vice presidential race? Handa ba niyang dungisan ang kanyang mga palad pati na ang legacy ng yumaong asawa para  iangat ang imahe ni Mar? Is she ready for the horse-trading?  Iyan kasi ang tingin ng marami: Na si Leni ay “pamunas” sa dungis ng LP.  Nagtatanong lang tayo at hindi nanghihimasok sa desisyon ng may desisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with