^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Matyagan, mga kandidatong sumusobra na ang gastos

Pilipino Star Ngayon

ABALANG-ABALA ang Commission on Elections (Comelec) ngayon dahil sa nalalapit na eleksiyon. Sinisimulan na umano ng komisyon ang pag-imprenta ng mga balota at ang pagtesting sa mga makinang gagamitin. Kahapon, nag-umpisa na ang kampanya ng mga kandidato para sa presidente, bise presidente at party-list representatives.

At habang abala ang Comelec, wala namang patid ang mga kandidato sa pag-ere ng kanilang campaign ads sa telebisyon at radyo. Padalas nang padalas ang pag-ere at tila walang nakakapansin mula sa Comelec. Sa dami ng pag-ere, baka sobra-sobra na ang gastos ng kandidato gayung umpisa pa lamang ng kampanya. Matagal nang nag-eere sa TV at radyo ang mga campaign ads ng kandidato bago pa ang itinakdang petsa.

Ayon sa Comelec Resolution No. 9981, ang mga kandidato at rehistradong political parties ay pinapayagan lamang ng 120 minutes sa TV ads at 180 mi­nutes para sa radio commercials.

Sa paglalagay ng campaign materials, pinapayagan lamang silang magkabit nito sa common poster areas na tinakda ng Comelec. Ang mga campaign materials na hindi nakalagay sa common areas ay masasabing illegal at mahaharap sa kaso ang kandidato, ayon sa Comelec.

Pero sabi ng Comelec, nakamatyag sila sa mga kandidato na mag-o-overspent. Binabalaan umano nila ang mga kandidato na sumunod sa batas. Hindi raw sila mangingiming sampahan ng kaso ang mga lalabag.

Noong 2014, isang nanalong governor sa Laguna ang diniskuwalipika ng Comelec dahil sa sobrang paggastos. Inalis sa puwesto si Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito dahil sa sobrang paggastos noong Mayo 11, 2013 elections. Gumastos umano si Ejercito ng P23 milyon gayung ang pinapayagan lamang gastusin nang bawat kandidato ay P4.5 million o P3 bawat botante.

Ngayong election, maaaring may mga kandidato ring sobra-sobra kung gumastos. Manmanan sila at ipataw ang parusang naaayon sa batas. Hindi parehas ang kandidatong gumagamit ng sobra-sobrang pera para manalo sa elections. Kailangang ipakita ng Comelec ang kanilang kapangyarihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with