^

PSN Opinyon

Comelec may sinisino sa election gun ban

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG 1992, unang presidential election sa ilalim ng 1987 Constitution, mahigpit nag-gun ban ang Comelec. Miski kapatid na congressman ni papaalis na President Cory Aquino ay hindi makakuha ng exemption. Payo ni noo’y-Chairman Christian Monsod, “Kung sa palagay n’yo’y mapanganib sa buhay ang pulitika, e di umalis kayo.”

Ngayong presidential election 2016 malambot ang Comelec. Ante-mano in-exempt sa gun ban ang mga senador at congressmen na kumakandidato sa anumang posisyon. Tapos, sa guniguni nila na mali sila, nilawakan nila ang exemption. Lahat na ng senador at congressmen ay exempted, tumatakbo man o hindi, dahil magsisilbi naman umano silang mambabatas hanggang katapusan ng termino sa Hunyo 30.

Hilo ang Comelec. Sa pagkiling nila sa incumbents, tinapakan nila ang mga challengers. At dahil mayorya ng mga mambabatas ay taga-naghaharing Liberal Party, kuwenta kumikiling ang Comelec sa admin.

Kumakandidato man o hindi, malamang na kasapi ang mga mambabatas sa political dynasties. Samakatuwid kumikilya ang Comelec sa dynasts, imbis na ubusin sila na saad ng Konstitusyon. Binura rin ng Comelec ang balance of non-terror. Kumbaga, tinataguyod din nito ang private armies.

Nakikinita na natin ang kasunod na kabanata. Magguguni-guni muli ang Comelec na mali sila sa pag-exempt sa mga mambabatas lang. Tila may sinisino sila. Mabuti pa, iisipin nila, i-exempt na sa gun ban lahat nang pulitiko: gobernador, mayor, bise, sangguniang panlalawigan, sangguniang konseho ng lunsod o munisipyo. At para huwag masabing kumikiling sila sa incumbents -- 40 kandidatong congressman, gobernador, at mayor ay taga-LP na walang kalaban -- mamarapatin nilang alisin na lang ang gun ban. Gulo kung gulo, ika nga ng maton.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with