^

PSN Opinyon

Sexy show sa party ng Solon bukol sa LP

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

INULAN na naman ng batikos ang partido Liberal dahil sa isang naging viral na “sexy” show sa birthday ni Laguna Rep. Benjie Agarao. Pati si Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino ay nasabit porke siya raw ang nagregalo ng mga nagtanghal na babae kay Aga­rao. Bagay naman ito na pinabulaanan mismo ni Agarao.

Pero sabi nga, hindi nagsisinungaling ang retrato. Wala naman talagang hubaran at “torohan” na nangyari pero ang mismong partisipasyon ni Agarao sa malaswang pagtatanghal ay hindi karapatdapat gawin ng isang pinagpipitaganang Kongresista na kung tawagin ay “honorable.”

Isa pa, panahon ngayon ng eleksyon bagama’t wala pa namang filing of certificate of candidacy. Kahit pa katakutakot na sorry ang sabihin ni Agarao ay nakatatak na sa isip ng tao ang masamang impresyon sa kanya, pati na kay Chair. Tolentino na pumupuntirya pa naman sa puwesto sa Senado.

Itinaon pa sa selebrasyong ito ang panunumpa kay LP presidential standard bearer Mar Roxas ng mga local na opisyal ng partido.

Sabi ng Malacañang, mismong si Pangulong Aquino ay hindi pabor sa kalaswaang ginawa ng mga babaeng dancer na nagtanghal sa kaarawan ni Agarao.

Ani Presidential Spokesman Abigail Valte, hindi kinukunsinti ni Pangulong Aquino ang mga kalaswaan sa paggamit sa mga kababaihan bilang regalo at sexual object.

Bagamat itinanggi ni Tolentino na siya ang nagregalo ng grupong “Playgirls” kay Agarao, sinabi umano ng emcee na ang ‘mainit’ na pagtatanghal ng mga dancers ay handog ng MMDA Chair. Trouble shooting na naman ang kailangan diyan para mapreserba ang imahe ng LP at mapangalagaan ang reputasyon ng mga kandidato nito sa pangunguna ni Roxas.

Tiyak na tiyak ko na ang lahat ng mga tatakbong presidente mula sa iba-ibang partido ay gagamitin ang isyung ito laban sa LP. Panahon ng eleksyon, panahon ng demolisyon. Iyan ang kultura ng Philippine politics kaya ang bawat partido political ay dapat maging maingat sa kanilang ginagawa lalu na sa panahong ito na mayroon na tayong social media at kahit umutut ka lang ay nalalaman ng buong mundo!

 

vuukle comment

ACIRC

AGARAO

ANG

ANI PRESIDENTIAL SPOKESMAN ABIGAIL VALTE

BENJIE AGARAO

LAGUNA REP

MAR ROXAS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIR FRANCIS TOLENTINO

MGA

PANGULONG AQUINO

TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with