^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Huwag magpadalus-dalos sa Bangsamoro Basic Law

Pilipino Star Ngayon

MARAMING suhestiyon ang lumulutang ngayon para raw maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Isa na rito ang suhestiyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na para raw mapadali ang pagpapasa ng BBL ay kailangan munang isurender ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang mga miyembro na nakapatay sa 44 Special Action Force (SAF) commandos. Sabi ni Rodriguez, hindi raw makakamit ang kapayapaan hangga’t hindi na­isisilbi ang katarungan. Kailangang makamtan muna ng mga kaanak ng pinatay na 44 SAF commandos ang katarungan at saka ipagpatuloy ang pag-uusap sa BBL. Kailangan daw pabilisin ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang pag-iimbestiga at sampa­han ng kaso ang mga sangkot na MILF guerillas sa nangyaring pagmasaker sa SAF noong Enero 25 sa Mamasapano. Ayon kay Rodriguez, gusto raw ni P-Noy na maipasa ang BBL sa Hunyo.

May punto si Rodriguez, kailangang maisilbi muna ang hustisya bago magkaroon ng pag-uusap sa BBL. Imposibleng magkaroon ng kapayapaan o katahimikan hangga’t hindi naisisilbi ang hustisya. Pero mahirap mangyari ang sinasabi ng kongresista. Hindi nga umaamin ang MILF na mga tao nila ang nagmasaker sa mga SAF, e ano ang isusurender nila. Sabi ng MILF sa kanilang sariling report ukol sa Mamasapano, may mga pribadong armadong grupo sa Maguindanao at maaaring ang mga ito ang nakasagupa ng SAF. Sabi pa ng MILF, ginawa rin daw pananggalang ng SAF ang mga kasamahan kaya pawang sa mukha ang tama. Sabi pa ng MILF, walang koordinasyon ang SAF.

Malabo ring mangyari ang pinapayo ni Rodriguez na isurender ng MILF ang kanilang mga miyembro sapagkat ang mga baril nga ng SAF ay binayaran pa ng gobyerno para lamang isauli. At malabo talagang mangyari sapagkat ang mismong DOJ secretary ang nagsabing hindi masaker ang nangyari sa Mamasapano kundi encounter. Paano isusurender ang mga sangkot na MILF guerilla kung ang DOJ na mismo ang nag-aabsuwelto.

Ang pinakamagandang gawin ay simulan muli ang pag-uusap sa BBL. Pag-aralan muli ito. Delikado kapag sinunod ang gusto ng Presidente na maipasa ito sa ilalim ng kanyang administrayon. Huwag magpadalus-dalos sa usaping ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

DEPARTMENT OF JUSTICE

MAMASAPANO

MGA

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ORO REP

SABI

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with