^

PSN Opinyon

Walang ‘political will’ vs plastic issue

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HALOS lumabas na ang litid sa kakahiyaw ng ilang environmentalist sa gobierno ng Philippines my Philippines, para ipagbawal na ang lahat nang uri ng plastic at huwag na itong politikahin pa.

Sabi nga, ibasura na!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga lugar na ipinagbawal ang paggamit ng mga plastic bag pero may mga tekamots pa pinagagamit sa mga mamimili ang kanilang mga plastic bag at pinagbabayad pa ang mga ito ng P2.00 kung walang paglalagyan sa kanilang mga pinamili.

‘Bakit kinokunsinte pa ito ng LGU’s imbes na i-ban ay pinagagamit pa ng mga plastic bag ?’ tanong ng kuwagong mukhang barya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may political will ang pamahalaan dapat lahat nang uri ng plastic ay dapat i-ban dahil may lason na kemikal ang mga ito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lahat ng plastic ay may epekto sa kalusugan ng madlang user at ang higit sa lahat grabe ang perpekto este mali epekto pala nito sa kapaligiran.

‘Dina-drama pa kasi ng pamahalaan ang usapin para i-total ban ang lahat ng uri ng plastic lalo na ang mga plastic bag.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Bakit daw?’

Sagot - marami raw kasing mawawalan ng trabaho sa sektor ng madlang plastic worker.

‘Paano ngayon ang epekto nito sa kapaligiran at siempre ang kalusugan ng madlang people?’ tanong ng kuwagong mambobola.

‘Simple lang iyan kapag naapektuhan ang kalusugan ng madlang nilalang dahil sa kemikal sa paggawa ng plastic magpa-gamot sa doctor.’ Hehehe!

Abangan.

Watak sila kaya bingi ang gobierno

MAGANDA ang layunin ng mga militanteng grupo sa mga panawagan nila lalo’t may kinalaman ito sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin, oil products at pasahe dahil halos natutulungan nito ang lahat ng madlang people sa Philippines my Philippines hindi lamang ang mga mahihirap na lalong pinahihirapan kundi pati na rin ang mga maraming datong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang malakihang kilos protesta ang gagawin ng PISTON para batikusin ang oil price hike.

Ang problema nga lamang mga PISTON lamang ang gagawa nito at hindi kasama ang iba’t-ibang driver’s organization na hindi nila ka-grupo kaya tuloy walang dating ito at pinagtatawanan lamang sila ng gobierno sa mga kilos protesta na pinaggagawa nila.

Sabi nga, hahaha!

Ika nga, kanya-kanya silang lahat.

Tanong - ano ang mainam?

Sagot - magka-isa at magkapit-bisig silang lahat parang ‘walis’ mas marami kalat ang mawawalis at mas malakas ang impact nila dahil  tiyak kapag nangyari ito baldado ang Philippines my Philippines oras na walang pumasadang mga sasakyan sa kalye.

Ika nga, nationwide rally!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kumpanya ng langis sa Philippines my Philippines ay hindi magpapalugi kaya naman niyo-yoyo lamang nila ang presyo ng mga oil product halimbawa ibababa nila ng P0.90 kada litro ng langis pero itataas naman nila ito ng P1.00.

Sabi nga, kita pa rin sila!

Banat ng PISTON, ang protesta na tinawag nilang “Kalbaryo ng mga Tsuper at Mamamayan” ay layuning maiparating sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa naturang mga hakbang dahilan anilay  patuloy na paghihirap ng maliliit na tsuper  mula sa matataas na bayarim sa serbisyo, mataas na halaga ng maintenance fee at spare parts, bilihin at iba pa na madadagdagan pa ang pahirap sa kanila oras na maipatupad ang dagdag excise tax at oil price hike.

‘Ano ang mabuti para rito?’ tanong ng kuwagong pinahihirapan.

Sagot - gobierno ang mahalagang sumagot at umaksyon tungkol dito.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

AYON

ITO

LAHAT

MGA

PHILIPPINES

PLASTIC

SABI

SAGOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with