^

PSN Opinyon

Natumbok ni Senadora Cynthia

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

PINANOOD ko ang Senate Committee hearing tungkol sa SAF 44 massacre. Ilang beses kong tinangkang patayin ang aking TV dahil sa mga katanungan ng ilan na sa palagay ko ay neither here nor there.

Parang nagpapasikat na lang ang bawat isa sa kanila kung sino ang pinaka-magaling magsalita ng Ingles habang nagsasalita at nagtatanong si Senadora Cynthia Villar sa sariling wika na sa palagay ko ay napaka-relevant at pinaka-matalinong katanungan sa buong session noong Pebrero 23.

Ang tanong niya sa mga heneral, “Papaano n’yo ba naman matutulungan nang husto ang SAF 44 kung hindi naman pala makakarating ang armored vehicles ninyo dahil basa at marshy ang grounds na kinaroroonan nila?”

At papaano naman kayo makakapagpaputok ng inyong mga heavy artillery kung wala naman kayong mga taong pinapunta sa scene of battle para maka-guide sa inyo kung saan ipupuntirya ang mga kanyon para hindi matamaan ang SAF 44 at innocent civilians.

Parang cub scouts ang mga heneral na hindi alam kung ano ang isasagot kay Senadora. Tila absent ang mga heneral noong itinuturo sa police o military academy ang theory of uncertainty reduction.

Ayon sa theory na ito, dapat may list of uncertainties ang mga heneral na tinututukan hangga’t sa katututok nila aabot sa punto na masasabi nila na ang uncertainty ay naging certainty na.

Halimbawa, kung tinutukan nila nang husto ang terrain na paroroonan ng SAF 44, dapat napag-alaman na nila beforehand na di sila puwedeng tumahak doon dahil basa, at sana’y naghanda sila ng mga helicopter para mabigyan ng air cover ang SAF 44.

Ang nangyari ay hindi man lang sila naglaan ni isang helicopter para sana makasaklolo sa SAF 44. Isa pang uncertainty na dapat tinutukan ay ’yung uncertainty na baka mabulabog o magulantang ang mga kuta ng BIFF at MILF na puro within gunshot hearing­ distance sa hideout ni Marwan at Usman.

Ito na nga ang nangyari, nagulantang ang hell broke loose.

Mukhang wala ito sa list of uncertainties ng cub scouts na heneral kaya kawawa talaga ang SAF 44.

Dapat sinabihan ni Senadora Cynthia ang mga mama ng “back to school gentlemen or go have yourselves circumcised”.

vuukle comment

AYON

DAPAT

HALIMBAWA

ILANG

SAF

SENADORA CYNTHIA

SENADORA CYNTHIA VILLAR

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with