^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mga magulang, bantayan ang mga anak sa paputok

Pilipino Star Ngayon

MARAMI na namang tindahan o sari-sari store ang nagbebenta ng piccolo. At ang kanilang mga customer ay mga bata. Paboritong paputukin ng mga bata ang piccolo palibhasa’y mabilis itong bilhin. Kaya dapat maging mapagmatyag ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka isang araw, umuwi itong putol na ang daliri o may sugat sa mukha dahil naputukan ng piccolo. Huwag hayaang sirain ng piccolo at iba pang paputok ang kinabukasan ng anak. Bantayan sila habang pa­palapit ang Pasko’t Bagong Taon.

Noong nakaraang taon, maraming naputukan at karamihan sa mga ito ay bata. Umabot sa 599 ang naputukan. Sa kabila ng panawagan ng Department of Health (DOH) na huwag magpaputok at magtorotot na lamang, marami pa rin ang sumuway. Ngayong sasalubungin ang 2015, tiyak na marami na naman ang mapuputukan. Walang kadala-dala.

Ganun pa man, dapat pa ring ipagpatuloy ng DOH ang kampanya. Isulong muli ang pagbabawal sa paputok. Kumpiskahin ang mga paputok. Pagbawalan ang mga tindahan na huwag magtinda ng piccolo sapagkat delikado sa bata. Ayon sa DOH, ang piccolo­ na hindi pumutok ay pinupulot ng mga bata sa pag-aakalang hindi na puputok pero ang hindi nila alam, buhay pala ito at sasabog sa kamay. Noong nakaraang taon, walong bata ang kinailangang putulin ang mga daliri dahil masyadong napinsala ng piccolo. May bata na nasabugan ng piccolo sa mga mata.

Kapag hindi ipinagbawal ang piccolo, mas marami pa ang mga bata na mapuputulan ng daliri at masasabugan sa mukha. Masisira ang kanilang kinabukasan kapag hinayaang mangyari ito.

Dapat din namang kumilos ang Philippine National Police (PNP). Hulihin ang mga nagtitinda ng piccolo. Karaniwang ang mga nagtitinda ng piccolo ay malapit din lamang sa mga police stations pero hindi hinuhuli. Walang ginagawang hakbang ang mga pulis para hulihin ang mga vendor.

Ang pinaka-epektibong paraan para makaiwas sa disgrasya ng paputok ang mga bata ay lagi silang bantayan ng magulang. Huwag silang pabayaan sa kalye para hindi matuksong magpaputok o du­mampot ng paputok.

vuukle comment

BAGONG TAON

BATA

DEPARTMENT OF HEALTH

HUWAG

NOONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PICCOLO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with