^

PSN Opinyon

Sinsilyo (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, sa halip na sa España Blvd. mamalimos si Tata Kandoy ay sa Quiapo siya nagpunta at baka sakaling doon makita si Gaude. Doon na rin siya mamalimos. Tamang-tama dahil unang Biyernes. Maaaring doon niya makita si Gaude sapagkat karamihan ay sa Quiapo humahantong ang mga palaboy.

Mula España, binabaybay niya ang Morayta St. Nagdaan sa tapat ng FEU. Kumanan sa Recto Avenue. Nang tatawid na sa Recto ay natigilan siya nang makita ang ilang kabataang babae at lalaking pala­boy na nasa center island. Nagkakatuwaan ang mga ito. Halatang mga palaboy sapagkat ang mga suot ay marurumi. Napansin niya na may hawak na plastic na supot (parang supot na lalag­yan ng yelo) at sinisinghot. Brown ang kulay ng nasa supot. Hanggang sa maalala ni Tata Kandoy na rugby ang sinisinghot na iyon. Mayroon na siyang nakitang mga kabataan sa España na ganundin ang ginagawa. Ang pagsinghot daw ng rugby ay nakakatulong para malimutan ang nararamdamang uhaw at gutom. Naisip ni Tata Kandoy kung saan kumuku-ha ng pambili ng rugby ang mga kabataan.

Nangamba si Tata Kandoy na baka ganito rin ang kinasapitan ni Gaude. Hindi pa rin naman gaanong sanay si Gaude sa kapaligiran ng Maynila. Baka sa mga delikadong lugar siya napunta at napasama sa mga kabata-ang palaboy. Naidasal niya na hindi ganoon ang nangyari kay Gaude.

Bago tuluyang tumawid sa Recto ay sinulyapan niya ang mga kabataang palaboy sa center island. Baka isa si Gaude sa mga iyon. Wala! Ipinagpatuloy niya ang pag­lalakad. Nakarating siya sa Quezon Blvd. Kumaliwa siya. Dineretso. Hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang lumang si­ne­han. Mula roon ay natanaw niya sa kabila ang Simbahan ng Quiapo.

Umakyat siya sa tulay na nasa di-kalayuan. Pagbaba ng tulay ay naglakad siya patungo sa simbahan. Marami nang tao sa paligid ng simbahan. Nalanghap niya ang usok ng kandila. Pumasok siya sa loob ng simbahan. Halos hindi siya makala­kad sa dami ng tao. Tumigil siya sandali at hinanap ang dawdawan ng bentitadong tubig. Nakita niya pero wala nang tubig. Naubos na sa dami ng dumawdaw. Ipinasyang humarap na lamang sa altar at nag-antanda. Sabay usal ng dalangin at kahilingan na makita si Gaude.

Makalipas ang ilang mi­nuto, lumabas na siya sa kabilang side ng simbahan na nakaharap sa Carriedo. Mas makapal ang tao. Makapal din ang usok mula sa mga kandilang sinisindihan ng mga deboto.

Luminga-linga siya sa bahagi ng Plaza Miranda. Baka naroon si Gaude!

(Itutuloy)

vuukle comment

ESPA

GAUDE

HANGGANG

MORAYTA ST. NAGDAAN

NIYA

SIYA

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with