^

PSN Opinyon

Mercado liar, Trillanes, bully?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ang kampo ng mga kritiko ng administrasyon ang tatanungin sa ginagawang imbestigasyon ng sub - committee ng Blue Ribbong Committee sa Senado regarding VP Jejomar Binay ito ay kathang isip lamang dahil lang ito sa politika?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit naman?

Sabi nga, fabricated daw.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinahamon ng partido ni VP Binay si  former Makati City  Vice Mayor Ernesto Mercado na gawin makatotohanan ang pangako nito na buburahin sa Senate  Blue Ribbon sub-committee records ang mga pinagsasabi nito oras na mapatunayan siya ay liar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may hawak daw ang United Nationalist Alliance, na prueba na siya ay na ospital kaya papatunayan nila ito at kapag nagkataon lahat ng sinasabi ni Mercado sa pagdinig sa Senado ay aalisin sa records dahil siya ay nagsisinungaling.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nahuli rin nilang nagsisinungaling si Mercado ng sabihin nito sa pagdinig na siya ang kumuha ng litrato sa sinasabing hacienda Binay habang nakasakay siya sa helicopter iyong pala ang tauhan ni Senator Alan Cayetano ang nagkukuha ng picture dito.

‘Naka-aircon daw ang mga baboy sa sinasabing farm ni Binay sa Rosario, Batangas pero ng bisitahin mismo ni Senator Antonio Trillanes IV, ang lugar ay negative ang impormasyon ni Mercado. May log cabin din daw sa Tagaytay Highland sina Binay pero ito ay pinabulaanan ng Belle Corporation.’ sabi ng kuwagong inuurot.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagiging ‘bully’ diumano si Trillanes sa mga resource person na tinatanong nito sa pagdinig?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

IIPSC sa NAIA, naudlot...hehehe

 

PINAGSAMANTALAHAN este mali pansamantala pala pinigil ng korte ang bagong sistemang gustong ipatupad ng Manila International Airport Authority sa mga pasaherong lalabas ng Philippines my Philippines kaya naudlot ito yesterday Nov. 1, araw ni hudas este mali ‘undas’ pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang itinutulak ng MIAA ay ang sistema for the Integration of the International Passenger Service Charge, sa madaling sabi ito iyong P550 terminal fee na binabayaran ng mga international passenger sa NAIA.

Aprobado na kasi ito sa MIAA na isama ang pagbabayad ng P550 sa airline ticket nang mga international passenger going out of the country.

Tanong - anong nangyari?

Sagot - may temporary restraining order ang korte.

Bakit?

Sagot - may grupong kumontra!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiado kasing ‘late’ magbigay ng anunsiyo ang bright people dyan sa MIAA tungkol sa gusto nilang mangyari tuloy may humadlang sa hilig nila. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalagan ito ng mga OFW’s dahil sila ang tinaguriang ‘Unsung Heroes’ bakit sila magbabayad gayun libre sila sa bayad ayon sa batas ng Migrant Workers Act.

Tama naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman talaga pagbabayarin ang mga OFW’s going abroad basta may ipakikita silang documents from DOLE - POEA na sila ay ligitimate ‘prisoners of war’ este mali overseas contract workers pala.

‘Ang pinapalagan nang grupong kumontra sa IIPSC ay mala­king abala ito sa kanila? sabi ng kuwagong tamad.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paano raw kung online booking ang gawin nila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang NAIA ang pinaayos nila para mas mapakinabangan ang pinaggagawa nila sa airport at hindi iyong puro kathang isip na papagandahin ang NAIA ‘worst airport’ terminal 1.

Abangan.

vuukle comment

ASSET

AYON

BINAY

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with