^

PSN Opinyon

‘Kalituhan, pamumulitika at mga patagong adbokasiya’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(Pagkamatay ni Jeffrey Laude)

KULANG, lihis at hindi na tumpak ang mga lumalabas na balita ngayon sa media hinggil sa pagpatay umano kay Jeffrey Laude a.k.a. Jennifer.

Marami nang mga kuro-kuro at pananaw ang naglalabasan. May iba’t ibang mga sektor nang pumapasok. Nahahaluan na ng mga isyung pulitikal at isyung nasyunal. May mga nakikisawsaw-angkas-sakay (SAS). Lumulutang at sumisigaw ng hustisya para kay “Jennifer” sa pamamagitan ng simpatya. Subalit, kung talagang babasahin ang totoo nilang motibo, gusto lang nilang isulong nang patago ang kanilang adbokasiya.

Huwag sana akong ma-misinterpret ng ilan o mamali ang pag-unawa dito. Isa ang BITAG Live sa mga nagsusulong ng hustisya para sa napatay na biktima. Ang punto dito, baka kasi sa dami ng mga usok sa ere, nalulunod na ang publiko sa mga naglalabasang impormasyon at hindi na masentro pa ang kanilang atensyon sa isyu.

Kung mapapansin, walang nagkukumpirma sa mga balita na si Jeffrey na Jennifer kung tawagin ng kaniyang mga kaibigan, ay lalaki. Pasubali lang, iginagalang ko ang lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community dito. Isantabi nalang muna natin ang “sensitivity issue” dito para matukoy ang totoong isyu.

Sa otopsiya, malinaw na nakasulat ang gender o kasarian ni Jeffrey. Siya ay lalaki. Bagama’t may ilang mga naninindigan na siya aytransgender dahil siya ay may dibdib (cleavage). Pero dahil sa dami ng mga balitang naglalabasan, baka makalimutan na ng marami ang totoong pinag-ugatan ng krimen.

Nagsimula ang lahat sa isang bar. Hindi pa matukoy at malinaw kung ano ang naging transaksyon sa pagitan nina Jeffrey Laude at ng US Marine na si Joseph Scott Pemberton. Sumunod nalang ang mga nangyari sa motel. Kung anuman ang ginawa nila doon, hindi ko na panghihimasukan at papakialaman.

Ngayon sinasabi ng ilan na hate crime daw ang pinag-ugatan ng insidente. Tulad nang tinalakay ko nitong mga nakaraang araw sa aking programa, walang hate crime sa Pilipinas. Maging ang mismong terminolohiya hiniram lang natin sa bansang Amerika. Kaya hindi ubra ang pinagduduldulan at pag-oobliga ng ilang mga grupong may mga “patagong” adbokasiya na kailangang mismong si Pangulong Noy Aquino daw dapat ang magsalita at magsulong ng hustisya para sa biktima.

Umaasa ang BITAG Live na pagkatapos ng mga “kaguluhan” “pamumulitika” at “kalituhan” sa isyu mangingibabaw ang hustisya kay Jeffrey Laude.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

AMERIKA

JEFFREY

JEFFREY LAUDE

JENNIFER

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with