^

PSN Opinyon

Sex change

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GALIT daw ang gay community kay Senador Antonio Trillanes dahil sa pagharang niya sa posibilidad na payagan ang mga bakla o tomboy na magpalit ng kasarian.

Without prejudice sa mga kasapi ng “federacion” pabor ako sa hakbang na ito ni Trillanes at ni Sen. Chiz Escudero bilang isang Kristiyanong naniniwala sa biblia. Maaaring kakaiba ang pananaw ng ilan at igagalang ko iyan. Pero kahit pagbali-baliktarin ang biblia ay wala tayong makikitang pinaboran ng Diyos ang homosexuality. Bagkus, maraming talata ang tahasang kumokondena sa practice na ito.

Pero lilinawin ko, hindi galit ang Diyos sa bakla kundi sa homosexual practice o pagsisiping ng dalawang pareho ang kasarian. Marami akong kilalang bakla at tomboy na tumanggap sa aral ng biblia at nanatili ang kanilang binabae o malalalaking kilos pero naitakwil ang pita na makipagtalik sa kaparehong kasarian. That is God’s grace.

Puwedeng may mga miyembro ng third sex na magagalit sa akin pero iyan ang aking pananampalataya at malaya silang paniwalaan ang sariling paniniwala.

Sumulpot muli ang isyu matapos ang pagpaslang  sa transgender na si Jeffrey Laude ng isang US serviceman sa Olongapo City kamakailan.

Pero tahasan kong tutuligsain ang narinig kong pahayag ni Trillanes kamakailan na sa kabila ng mga ganyang insidente, hindi dapat buwagin ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ang nakakainis na sinabi niya ay hindi dapat hadlangan ng isang insidente ng krimen, gaya ng sinapit ni Laude ang mas maraming benepisyong dulot ng pagkakaroon ng VFA.

Mali yata ang katuwirang ito. Baka lalung makahikayat iyan sa mga sundalong Amerikano na patuloy na gumawa ng krimen habang nasa bansa.

Mas mabuti pa marahil kung sinabi ni Trillanes na rerepasuhin ang VFA at magtakda ng safety nets para mahadla-ngan ang ganyang insidente ng pagpaslang at pang-aabuso na ginagawa ng mga Amerikano sa ating mga kababayang Pilipino. Babae man, bakla o tomboy ang biktima, hindi na kasarian ang pinag-uusapan kundi ang krimen na ginagawa ng mga dayuhan sa ating bansa.

vuukle comment

AMERIKANO

CHIZ ESCUDERO

DIYOS

JEFFREY LAUDE

OLONGAPO CITY

PERO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with